IQNA

4:47 - May 12, 2021
News ID: 3002780
TEHRAN (IQNA) - Mahigpit na binatikos ng Islamic Revolutionary Guards Corps (IRGC) ang nakamamatay na pagsalakay ng terorista na pinupuntarya ang mga mag-aaral sa paaralan sa kabisera ng Kabul sa Afghanistan.

Sa isang pahayag noong Lunes, sinabi ng IRGC na ang matinding kasalanan ay masamang balak sa pamamagitan ng US upang buhayin ang terorismo na Takfiri at dalhin muli ang digmaan at pagdanak ng dugo sa Afghanistan.

Inilalarawan ang pambobomba bilang masakit na pangyayari para sa mga tao ng Afghanistan, sinabi ng pahayag na ang White House ay masisisi talaga kaysa sa iba dahil sa pagkuha ng mga teroristang Daesh mula sa Syria at Iraq papuntang Afghanistan.

Nagpahayag ng pakikiramay ang IRGC sa marangal na mga tao ng Afghanistan at, lalong-lalo na ang mga pamilya ng mga bayani sa pagsalakay, at nagdasal para sa mabilis na paggaling ng mga nasugatan sa nangyayari.

Ang bilang ng mga namatay sa pagsalakay sa bomba na pinupuntaraya ang mga mag-aaral sa Kabul noong Sabado ay umakyat sa 85, sinabi ni Danish Hedayat, pinuno ng media para sa ikalawang bise presidente ng Afghanistan, noong Lunes.

Iba pang 147 na sugatang mga tao ang nasugatan sa pagsalakay sa kapitbahayan ng Dasht-e-Barchi, sinabi ni Hedayat.

Ang bomba ng sasakayan ay pinasabog sa harap ng paaralan ng Sayed Al-Shuhada, at dalawa pang mga bomba ang sumabog nang sumugod ang mga mag-aaral sa gulat.

Ang lugar ay tahanan ng malaking pamayanan ng mga Shia mula sa etnikong minoridad ng Hazara, na alin pinupuntarya sa nakaraan ng pangkat na terroristang Daesh.

Wala pang opisyal na pag-angkin ng pananagutan. Itinanggi ng Taliban na nasa likod ng pagsalakay sa Sabado ng gabi.

Sinabi ng mga opisyal na ang karamihan sa mga napatay ay mga mag-aaral na babae. Ang ilang mga pamilya ay naghahanap pa rin sa mga ospital para sa kanilang mga anak noong Linggo.

 

 

3474676

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: