IQNA

9:36 - June 19, 2021
News ID: 3002892
TEHRAN (IQNA) - Ang isa sa pinakalumang mga pahina ng Banal na Qur’an na nagsimula pa noong ika-2 siglo A.H. ay ipapakita sa isang kaligrapiya pagtatanghal sa Riyadh, Saudi Arabia.

Alinsunod sa sayidaty.net, ang Kagawaran ng Kultura ng bansa ay mag-aayos ng pagtatanghal na pinamagatang "Maglakbay sa Mundo na Pagsusulat at Kaligrapiya" sa Pambansang Museo ng Riyadh.

Ang kasaysayan ng sulat-kamay ng Arabiko at ang mga batayan ng pagsusulat mula sa simula ng kabihasnang Arabiko hanggang ngayon ang magiging pangunahing tema ng mga likhang sining sa pagtatanghal.

Ang layunin nito ay upang ipakilala ang kasaysayan at pinagmulan ng wikang Arabiko at pag-unlad ng sining ng kaligrapya ng Arabiko at ang kaugnayan nito sa kasalukuyang disenyo.

Ang eksibisyon ay magbibigay ng impormasyon tungkol sa mahusay na mga kaligrapiyo ng Arabiko sa Saudi Arabia mula 1,700 na mga taon na ang nakakalipas at ipapakita ang sulat-kamy na nakasulat sa mga piraso ng bato pati na rin ang iba pang mga Arabikong Kaligrapiya na mga gawain sa mula ng Islam.

Magkakaroon din ng bagong mga aplikasyon ng kaligrapyang Arabiko sa anyo, disenyo at artipisyal na katalinuhan.

Ang pagtitipon ng nailimbag na mga kopya ng Qur’an kabilang ang Bughaw na Mushaf at ang Mushaf ng Medina at isang kopya ng Qur’an na dinisenyo sa pamamagitan ng artipisyal na katalinuhan ay ipapakita rin sa eksibisyon.

Ang mga likhang sining sa pamamagitan ng mga kaligrapiyo mula sa Saudi Arabia at iba pang mga bahagi ng mundo ay ipapakita sa iba pang mga bahagi ng pagtatanghal.

 

 

3474969

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: