IQNA

Hinimok ng Pangulo ng Zanzibar ang Publiko na Pahalagahan ang mga Guro sa mga Paaralan ng Qur’an

7:04 - November 16, 2021
News ID: 3003392
TEHRAN (IQNA) – Hinimok ng Pangulo ng Zanzibar na si Hussein Mwinyi ang pamayanang Muslim ng Zanzibar na palakasin ang paggalang at pagpapahalaga sa mga guro sa mga paaralan ng Qur’an (Madrassa) bilang pagganyak at pagkilala sa kanilang mahusay na gawain sa pagtuturo at pag-aalaga sa mga bata.

"Pahalagahan natin ang kanilang trabaho at hikayatin sila sa pagtuturo sa ating mga anak. Ang mga guro ay hindi dapat mamuhay nang kaawa-awa," sinabi ni Mwinyi sa nayon ng Mfenesini, sa Kanluran rehiyon ng Unguja, kung saan siya ang nangasiwa sa pagbubukas ng bagong madrassa na pinangalanang 'Madrassatul Maryamu'.

Sinabi niya na mahalaga na pangalagaan ang mga guro ng Madrassa, upang manatiling matatag sa pagbibigay ng edukasyong panrelihiyon at pagtutulong din sa mga bata sa pormal na mga paaralan, sa pamamagitan ng mga matrikula, paghahanda para sa pambansang mga pasulit.

Pinayuhan ni Mwinyi ang mga magulang, "Hikayatin ang inyong mga anak na mag-aral ng mabuti para sa mga pasulit. Mabuti na ang mga guro ng Madrassa na may kaalaman tungkol sa mga paksa sa karaniwang mga paaralan ay tumulong sa mga kandidato."

Sa kabila ng magandang gawain na kanilang ginagawa, ang mga guro sa madrassa ay nananatiling maliit ang suweldo, dahil umaasa lamang sila sa kawanggawa at pera na boluntaryong inibahagi sa pamamagitan ng mga magulang.

Ang kaganapan ay isang pagkakataon para kay Mwinyi na ipaliwanag ang mga pagsisikap na ginagawa ng kanyang pamahalaan sa pagpapabuti ng kapaligiran ng pag-aaral sa pampublikong mga paaralan.

Sinabi niya na ang gobyerno ay naglaan ng mga pondo para sa pagpapatayo ng mas maraming mga silid-aralan upang masuri ang pagsisikip sa mga paaralan, na alin nag-uudyok din sa mga sesyon sa umaga at hapon.

Sinabi ni Mwinyi na ang pagkakaroon ng solong sesyon sa mga paaralan ay magbibigay-daan sa mga bata na magkaroon ng oras para sa karagdagang mga klase at makadalo din sa madrassa. Umapela siya sa pamamahala ng mga paaralan ng Qur’an na maging maayos at seryosohin ang kalinisan at mabuting pag-uugali.

Ang Zanzibar na Mufti si Sheikh Saleh Omar Kaab ay nagpasalamat kay Pangulong Mwinyi sa pagtanggap upang mangasiwa sa pagbubukas ng bagong itinayong Paaralan ng Qur’an sa Mfenesini.

 

 

Pinagmulan: allafrica.com

 

3476490

Name:
Email:
* Comment:
captcha