IQNA

6:49 - January 18, 2022
News ID: 3003647
TEHRAN (IQNA) – Ang Pondasyon ng Pananaliksik na Islamiko ng Astan Quds Razavi ay lumahok sa ika-31 na pag-ikot ng Perya ng Aklat na Pandaigdigan sa Doha, na nagpapakita ng mga sampung mahahalagang mga gawa.

Pagdadalo sa espesyal na silid ng Islamikong Republika ng Iran, ang Pondasyon ng Pananaliksik na Islamiko ay nagpakita ng 40 na mga gawa at iyon ngayon ay nakikipag-usap sa iba pang mga tagapaglathala upang makahanap ng bagong mga merkado.

Sa 29 na libong mga metrong kuwadrado na espasyo, ang perya ng aklat ay nagpunong-abala ng 430 na mga Qatari at pandaigdigang mga tagapaglathala mula sa 37 na mga bansa. Ang pagkakaroon ng 319 na mga tagapaglathala sa wikang Arabiko, 45 sa hindi-Arabiko, at ang pagkakaroon din ng 90 na mga kinatawan mula sa aktibo at kilalang mga tagapaglathala ay nagmumungkahi ng kapansin-pansing paglago ng kaganapan kumpara sa nakaraang mga pag-ikot ng perya. Ang paglago na ito ay nagdagdag sa kaunlaran ng mga aktibidad na pangkultura at pan-ekonomiya ng paglalathala rin.

Ang ika-31 na pag-ikot ng Perya ng Aklat na Pandaigdigan sa Doha ay binuksan sa paglahok ng Bahay ng Aklat at Panitikan ng Iran kasama ang Punong Ministro ng Qatar pati na rin ang mga ministro ng panloob at kultura, ilang bilang ng mga opisyal na pampulitika kabilang ang dayuhang embahador at ilang pangkultura na mga tao na dumalo sa Sentro ng Pagpapakita at Pagtitipon-tipon sa Doha. Ang salawikain sa ngayong taon na kaganapan ay "Agham ay Ilaw".

Bukas ang Perya hanggang Enero 22, 2022 mula 9:00 AM hanggang 10:00 PM.

 

 

3477402

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: