IQNA

Nilagdaan ng MoU para sa Pakikipagtulungan sa Islamikong mga Karapatan na Pantao

10:32 - March 15, 2022
News ID: 3003865
TEHRAN (IQNA) – Limang mga institusyon at mga samahang Iraniano ang pumirma ng memorandum of understanding (MoU) para sa pakikipagtulungan sa larangan ng Islamikong mga kapatan na pantao.

Ang Mataas na Konseho para sa mga Kapatang Pantao ng Iranianong Hukuman, ang Ahl-ul-Bayt (AS) World Assembly, World Forum for Proximity of Islamic Schools of Thought (WFPIST), Al-Mustafa International University at Islamic Culture and Relations Organization (ICRO) ay nilagdaan ang MoU sa isang seremonya noong Lunes ng umaga.

Si Kazem Gharibabadi, kalihim ng Mataas na Konseho, nagsabi sa seremonya na ang mga karapatang pantao ng Islam ay isang mahalagang isyu na, sa kasamaang-palad ay napabayaan sa mga larangan na pandaigdigan.

Idinagdag niya na kahit na ang mga isyu sa karapatang pantao ay binuo sa mga dokumento ng pandaigdigan noong ika-20 na siglo, ang katotohanan ay ang mga karapatang pantao ay isang isyu na nag-ugat sa mga banal na pananampalataya, lalo na ang Islam.

Sa pagtutukoy sa MoU, sinabi niya na ang mga kakayahan ng limang mga samahan ay dapat gamitin upang ipakilala sa mundo ang mga turo at mga nagawa ng Islam sa larangan ng mga karapatang pantao.

Napansin din ni Gharibabadi na ang isang ensayklopedya ng Islamikong mga karapatang pantao ay pinagsama-sama sa Iran, na nagsasabi na ito ay maaaring isalin sa iba't ibang mga wika upang sa tuwing ang paksa ng mga karapatang pantao ng Islam ay malalaman ng lahat kung tungkol saan ito.

Tungkol naman sa pagtatanggol sa mga karapatan ng mga Muslim at sa mundong inaapi, ikinalulungkot niya na sadyang napabayaan iyon sa mga mekanismo ng mga karapatang pantao at makikita ng tao ang isang diskriminasyong pamamaraan mula sa mga samahang pandaigdigan sa bagay na ito.

Sa mga tuntunin ng pagtatanggol sa mga karapatan ng mga Muslim, walang samahan na pandaigdigan maliban sa Organization of Islamic Cooperation (OIC), sinabi niya.

Idinagdag ni Gharibabadi na ang mga mekanismo na hindi-pamahalaan at mga organisasyon ng karaniwang mga mamamayan ay maaari ding maging aktibo sa usaping ito sa rehiyonal at pandaigdigang mga antas.

 

 

3478152

captcha