IQNA

Paligsahan sa Quran na Pandaigdigan sa Bangladesh: Pumangalawa ang Isang Iranianong Qari

15:42 - December 22, 2025
News ID: 3009214
IQNA – Kabilang sa pangunahing mga nagwagi ang mga kinatawan ng Iran sa ikaapat na pandaigdigang paligsahan sa Quran ng Bangladesh.

Iranian qari Is’haq Abdollahi and memorizer Mehdi Barandeh respectively came second and fourth in the recitation and memorization categories of the fourth international Quran competition of Bangladesh (December 2025)

Si Is’haq Abdollahi, sino kumatawan sa Iran sa kategorya ng pagbigkas ng Quran, ang nagkamit ng ikalawang puwesto sa nasabing kategorya.

Samantala, ang Iraniano sino tagapagsaulo ng Quran na si Mehdi Barandeh ay nagtapos sa ikaapat na puwesto sa kategorya ng pagsasaulo ng buong Quran.

Isinagawa ang paligsahan mula Disyembre 18 hanggang 20 sa Dhaka, ang kabisera ng bansang nasa Timog Asya, na nilahukan ng mga qari at mga tagapagsaulo mula sa 30 na mga bansa. Kabilang sa mga bansang lumahok ang Iran, Saudi Arabia, Bangladesh, India, Ehipto, Indonesia, Malaysia, Pakistan, Algeria, Brunei, Kuwait, at Tanzania.

Nauna nang nakamit ni Barandeh ang pinakamataas na ranggo sa ika-45 edisyon ng pandaigdigang paligsahan sa Quran ng Saudi Arabia.

Kabilang naman sa naunang mga tagumpay ni Abdollahi ang pagkamit ng unang puwesto sa ika-23 Pandaigdigang Paligsahan sa Quran ng Russia.

Matapos dumalo sa iba’t ibang mga pagtitipon sa Quran sa Bangladesh ngayong linggo, babalik ang dalawa sa Iran sa Sabado.

 

3495806

captcha