IQNA

Magtatapos ang Gantimpalang Pandaigdigan ng Rezwan sa Paglalahok ng 54 na mga Bansa

5:17 - April 18, 2022
News ID: 3003985
TEHRAN (IQNA) – May 50,000 na mga aktibista ng Qur’an mula sa 54 na mga bansa ang lumahok sa Ika-1 na edisyon ng Gantimpalang Rezwan na isinaayos ng Astan Quds Razavi.

Sa isang pakikipanayam kasama sa IQNA, ang kinatawan ng pandaigdigang mga kapakanan ng sentro ng pang-agham at pangkultura ng Astan, si Hojat-ol-Islam Seyyed Mohammad Zolfaghari nagsabi na ang layunin ng kaganapan ay upang gunitain ang katayuan ng mga guro ng Qur’an.

"Ang mga guro ay isa sa pinakamahalagang mga haligi ng pag-aaral ng Qur’an ngunit walang espesyal na kaganapan para sa kanila ang gaganapin sa ngayon," sinabi niya.

Tatlong mga pangkat, ang mga guro, mga mag-aaral at mga instituto ang maaaring pumunta sa nakalaang website o akawnt ng panlipunang media upang lumahok sa kaganapan sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mga guro sa Qur’an.

Ang mga kalahok na may tatlong mga wika, ang Persiano, Arabiko at Urdu ay maaaring dumalo sa kaganapan ngayong taon, sinabi niya.

May 2,500 na mga guro ang nagparehistro sa kanilang sarili sa pagdiriwang, sinabi niya, idinagdag na higit sa 35,000 na mga mag-aaral ang nagpakilala ng kanilang mga paboritong Qur’anikong mga guro habang ang ilang 250 na mga institutong Qur’aniko ay nagbigay din ng listahan ng kanilang mga guro.

Ang kaalaman ibinigay ng mga kalahok, patuloy siya, ay ipinadala sa isang lupon ng mga hukom na binubuo ng mga dalubhasa mula sa Iran, Iraq, Syria, Lebanon, Pakistan at Afghanistan upang mapili nila ang nangungunang mga ranggo ayon sa tinukoy na pamantayan.

Ang pagdaraos ng pagsasara ng Gantimpalang Rezwan ay nakatakdang gaganapin sa Mashhad sa Abril 18 sa pamamagitan ng paggawad ng nangungunang 10.

 

 

3478517

captcha