IQNA

Hinimok ang Gantimpalang Premyong Nobel para sa Kapayapaan na Manalo na Humingi ng Tawad sa Pagsuporta sa Anti-Muslim na Pasismo

14:17 - October 12, 2025
News ID: 3008952
IQNA – Ang politiko mula sa Venezuela na si Maria Corina Machado, sino nagwagi ng 2025 Nobel Peace Prize (Premyong Nobel para sa kapayapaan), ay hinimok na humingi ng tawad at itakwil ang kanyang pagsuporta sa anti-Muslim na pasismo.

Venezuelan politician Maria Corina Machado won the 2025 Nobel Peace Prize.

Mariing kinondena ng Council on American-Islamic Relations (CAIR), ang pinakamalaking samahang Muslim para sa karapatang pantao sa Estados Unidos, ang desisyon ng komite ng Nobel Peace Prize na igawad ang gantimpala ngayong taon kay Machado, at tinawag itong “nakasasakit at hindi katanggap-tanggap.”

Ayon sa CAIR, ang pagpili ng komite na parangalan si Machado—isang politiko na kilala sa pagsuporta sa ekstremistang mga kilusan sa Uropa at sa naghaharing Partidong Likud ng Israel—ay isang “paglapastangan” sa mga taong buong tapang na lumalaban sa rasismo, pasismo, at nagpapatuloy na pagpatay ng lahi sa Gaza.

“Ang Nobel Peace Prize (Premyong Nobel para sa Kapayapaan) ay nararapat lamang ibigay sa mga taong nagpapakita ng moral na katatagan sa pagtataguyod ng katarungan para sa lahat, hindi sa mga pulitikong humihiling ng demokrasya sa kanilang sariling bansa habang sumusuporta naman sa rasismo, pagkiling, at pasismo sa ibang lugar,” ayon sa pahayag ng CAIR mula sa kanilang punong tanggapan sa Washington, D.C.

Hinimok ng CAIR si Machado na humingi ng tawad at itakwil ang kanyang mga nakaraang pahayag at mga kaugnayan, kabilang ang kanyang paglahok sa kumperensiya ng dulong-kanan na Patriots of Europe sa Madrid noong unang bahagi ng taon, kung saan ang mga tagapagsalita katulad nina Geert Wilders, Marine Le Pen, at Viktor Orban ay nanawagan ng isang “bagong Reconquista” – isang pagtukoy sa etnikong paglilinis ng mga Muslim at mga Hudyo mula sa Espanya noong ika-15 siglo.

“Nanawagan kami kay Ms. Machado na itakwil ang kanyang pagsuporta sa Partido ng Likud at sa anti-Muslim na pasismo sa Uropa,” sabi ng CAIR. “Kung tatanggi siya, dapat muling pag-isipan ng komite ng Nobel ang desisyon nito, dahil sinisira nito ang sariling reputasyon. Ang isang taong may pagkiling laban sa mga Muslim at tagasuporta ng pasismong Uropiano ay hindi karapat-dapat na mailagay sa tabi ng mga tulad ni Dr. Martin Luther King Jr. at iba pang marangal na pinagpipitagan ng Nobel.”

Ayon sa CAIR, sa halip ay dapat parangalan ng komite ng Nobel ang “mga mag-aaral, mga mamamahayag, mga aktibista, o mga propesyonal sa medisina sino isinugal ang kanilang karera at buhay upang labanan ang pagpatay ng lahi sa Gaza” – mga taong, ayon sa grupo, ay kumakatawan sa tunay na diwa ng kapayapaan at katarungan.

Noong Pebrero, nagbigay si Machado ng birtuwal na talumpati sa kumperensiya ng Patriots of Europe, kung saan ilang mga kilalang personalidad ng dulong-kanan ang kumondena sa imigrasyon at ipinagdiwang ang pagpapatalsik sa mga Muslim mula sa Iberia noong panahong medyebal (medieval). Ayon sa ulat ng Reuters, binuksan ng mensaheng video ni Machado ang nasabing kaganapan, na dinaluhan ng mga pinuno ng ekstremismo mula sa iba’t ibang mga panig ng Uropa.

Ipinahayag din ni Machado ang kanyang matinding suporta sa dulong-kanan na pamahalaan ng Israel. Noong 2020, nilagdaan niya ang isang pormal na alyansa sa pagitan ng kanyang partidong pampulitika at ng Partidong Likud at kalaunan ay idineklara, “Ang pakikibaka ng Venezuela ay ang pakikibaka ng Israel.” Nangako rin siya na ililipat ang embahada ng Venezuela sa Jerusalem al-Quds, isang hakbang na sumusuporta sa iligal na pananakop ng lungsod ng rehimeng Israel.

Tinapos ng CAIR ang pahayag sa pagsasabing ang pagbibigay parangal sa ganitong uri ng tao ay “isang paglapastangan sa pamana ng Nobel Peace Prize” at isang pagwawalang-bahala sa paghihirap ng mga biktima ng digmaan at pang-aapi sa buong mundo.

 

3494957

captcha