IQNA

Tinatalakay ng mga Dalubhasa ang Qur’anikong Diplomasya sa Ika-29 Pagpapakita ng Qur’an na Pandaigdigan sa Tehran

5:12 - April 19, 2022
News ID: 3003988
TEHRAN (IQNA) – Isang espesyal na lupon ang ginanap noong Linggo ng gabi sa giliran ng Ika-29 na Pagpapakita ng Qur’an na Pandaigdigan sa Tehran upang talakayin ang Qur’anikong diplomasya.

Pinamagatang “Pagpapaliwanag ng Qur’anikong Diplomasya ng Islamikong Republika ng Iran sa Pandaigdigang Larangan; mga Layunin at mga Istratehiya", ang sesyon ay dinaluhan ng maraming mga dalubhasa kabilang sina Ali Reza Moaf, ang Kinatawan ng Qur’an at Etrat ng Iranianong Kagawaran ng Kultura at Islamikong Patnubay, si Mehdi Mostafavi, kinatawan ng pandaigdigang mga kapakanan ng tanggapan ng Pinuno ng Islamikong Rebolusyon, at si Mohammadreza Bahmani, pang-agham at pangkultura na mga kapakanan na kinatawan ng Samahan ng Islamikong Kultura at mga Ugnayan.

Sa pagtugon sa kaganapan, itinuro ni Mostafavi ang talatang pangatlo ng Surah Al-Imran na alin nagbabasa ng "Lahat kayo ay magkakaisa na kumapit nang mahigpit sa lubid ng Panginoon". Binanggit niya na ang Banal na Qur’an ay itong lubid na inialay sa atin ng Panginoon upang mailagay natin ang ating buhay sa tamang landas.

Ang diplomasya, patuloy niya sa ibang lugar, ay nangangahulugan ng pakikipag-ugnayan sa iba para sa paglilipat ng mga layunin. “Ang diplomasya ay isang tagapagpahiwatig na may kaugnayan sa kapangyarihan at ang Banal na Qur’an ay isa sa mga sangkap na nakabatay sa kahulugan para sa pagkamit ng kapangyarihan sa pandaigdigan na larangan; dahil ito ay konektado sa Panginoon na Siyang Makapangyarihan sa lahat.”

Ang Qur’anikong diplomasya ay nagtatatag ng ugnayan sa lahat ng mga tao sino naniniwala sa banal na mga propeta, paghahayag at sa Araw ng Paghuhukom, sabi niya.

Ang ilang bilang mga panauhin ay tumugon din sa kaganapan sa pamamagitan ng mga ugnayang video.

Alinsunod sa mga opisyal, may kabuuang 20 na pandaigdigang mga sesyon ang nakatakdang gaganapin sa eksibisyon ngayong taon.

Ang ika-29 na edisyon ng pagpapakita ay nagsimula noong Sabado at tatakbo sa loob ng dalawang mga linggo. Ang Imam Khomeini Mosalla (bulwagan ng pagdasal) sa kabisera ang magpunong-abala ng kaganapang Qur’aniko.

Ito ay bukas sa mga bisita araw-araw mula 5 PM hanggang hatinggabi.

Gamit ang salawikain ng "Qur’an, Aklat ng Pag-asa at Katahimikan", ang eksibisyon ay gaganapin na may 45 na mga bahagi na nakatatag sa isang lugar na 40,000 mga metre kuwadradro.

Ang Pagpapakita ng Qur’an na Pandaigdigan sa Tehran ay taunang inorganisa ng Kagawaran Kultura at Islamikong Patnubay sa banal na buwan ng Ramadan.

Ang pagpapakita ay naglalayong itataguyod ang mga konsepto ng Qur’an at pagbubuo ng mga aktibidad na Qur’aniko.

Ito ay nagpapakita ng pinakabagong mga tagumpay na pang-Qur’aniko sa bansa pati na rin ang iba't ibang mga produkto na nakatuon sa pagsulong ng Banal na Aklat.

Noong 2020 ay nakansela ang pagpapakita at noong 2021 ay ginanap iyon na pangbertuwal dahil sa mga paghihigpit sa mikrobyong korona sa bansa.

 

 

3478527

captcha