IQNA

Sumalakay ang Pulisya ng Israeli, Ekstremista sa Moske ng Al-Aqsa para sa Ikalimang Magkakasunod na Araw

8:55 - April 24, 2022
News ID: 3004000
TEHRAN (IQNA) – Nilusob ng pulisya ng Israeli ang Moske ng Al-Aqsa noong Huwebes para sa ika-5 magkakasunod na araw upang masigurado ang provocative na pagkakaroon ng mga ekstremistang Hudeyo na mga grupo sa banal na patyo sa sinasakop na Jerusalem al-Quds.

Mga saksi nagsabi na ang pulisya gumamit ng puwersa at kapangyarihan upang ilikas sa mga patyo ng moske mula sa Palestinong mga sumasamba na nagdulot ng maraming sugat mula sa pamamalo at nahirapan sa pagpahinga mula sa tear gas na pinapaputok sa pulisya.
Ang mga Muslim na kalalakihan at kababaihan na mga sumasamba ay napilitang pumasok sa loob ng mga gusali at manatili doon hanggang matapos ang Hudyo na mga grupo sa kanilang paglilibot makalipas ang ilang mga oras.
Malaking bilang ng mga Hudyo ang pinahintulutan ng pulisya na salakayin ang maraming gusali ng Moske ngt Al-Aqsa sa panahon ng piyesta opisyal na Paskuwa ng Hudyo, na magtatapos sa Sabado, na nagdudulot ng malubhang alitan sa mga mananamba na Palestino na kadalasang nagiging marahas.
Sinabi ng pulisya na ang mga Hudyo ay hindi papayagang pumasok sa mga gusali na banal sa loob ng Muslim  simula Biyernes at hanggang sa katapusan ng banal na buwan ng pag-aayuno ng Muslim ng Ramadan, na magtatapos sa katapusan ng buwang ito, upang maiwasan ang anumang karagdagang karahasan sa sinasakop na lungsod ng Jerusalem. .
 
Pinagmulan: Ahensiya ng Balitang WAFA

3478587

Name:
Email:
* Comment:
* :