IQNA

7 mga Tungkulin ng mga Muslim Kaugnay sa Qur’an

8:45 - May 01, 2022
News ID: 3004029
TEHRAN (IQNA) –Si Nasser Rafiei, isang propesor sa panrelihiyon at mananaliksik, ay tumalakay sa paksa ng Qur'an at sa kahalagahan ng pagbibigay pansin sa mga talata at mga konsepto ng Qur'an. Sa bagay na ito, si Rafi'i ay tumutukoy sa Surah Al-Ankabut:

«بَلْ هُوَ آيَاتٌ بَيِّنَاتٌ فِي صُدُورِ الَّذِينَ أُوتُوا الْعِلْمَ وَمَا يَجْحَدُ بِآيَاتِنَا إِلَّا الظَّالِمُونَ» (Surah Al-Ankabut / 49).
Binibigyang-diin ng talatang ito na ang Qur'an ay napakalinaw para sa iyong mga nakakaunawa, ngunit ang mga hindi nakauunawa ay hindi lamang nakikinabang sa Qur'an, kundi tinatanggihan din ang mga talatang ito.
Ang ating unang tungkulin tungo sa Qur'an ay pag-aralan iyon at subukang basahin iyon ng tama; Ang ating pangalawang tungkulin sa Qur'an ay ang pagbigkas ng Qur'an; Dapat nating bigyang pansin ang pagbabasa ng Qur'an.
Ang ating ikatlong tungkulin sa Qur'an ay makinig sa Qur'an. Sinabi ng Panginoon sa Qur'an: Kapag binibigkas ang Qur'an, tumahimik at makinig. (Surah A’raf / 204)
Ang ating ikaapat na tungkulin ay pagbigay ng paggalang sa Qur'an. Iyon ay napakasama ang hindi paggalang ng Qur'an o ilagay ang Qur'an sa maling lugar.
Ang ating ikalimang tungkulin ay pag-isipang mabuti ang Qur'an. Sinabi ni Allameh Tabatabai na nagbabasa ako ng 10 mga bahagi ng Qur'an sa isang araw, ngunit nagninilay-nilay ako sa isang talata araw-araw, dahil ang meditasyon ay nangangahulugan ng pagiging maingat sa kahulugan ng Qur'an.
Ang ating ikaanim na tungkulin sa Qur'an ay isabuhay iyon; Mayroon tayong pagsasalaysay na maraming mga tao ang nagbabasa ng Qur'an, ngunit isinumpa sila ng Qur'an dahil hindi nila sinusunod ang mga talata ng Qur'an.
Ang ating ikapitong tungkulin sa Qur'an ay isaulo iyon; Dapat nating isaulo ang Qur'an sa abot ng ating makakaya.
Si Sayyid Mohammad Hossein Tabatabai, na mas kilala bilang Allameh Tabatabai (1981-1904), ay isang komentarista, pilosopo, hurado at iskolar ng Islam na ang mga gawa ay kinabibilangan ang Pagpapakahugan ng Al-Mizan at ang mga Simulain ng Pilosopiya at ang Paraan ng Realismo.
Mga susing salita: Qur’an; Pag-iisip ng mabuti sa Qur'an; Pagsasaulo ng Qur’an; mga talata ng Qur’an
 
 
4048783

captcha