IQNA

Tinatalakay ng Pagpupulong na Pandaigdigan ang Pananaw ng Qur’an sa Ekonomiya

4:36 - May 09, 2022
News ID: 3004057
TEHRAN (IQNA) – Tinalakay ng pagpupulong na pandaigdigan sa Mashhad ang pananaw ng Qur’an at Etrat sa ekonomiya at trabaho.

Ang Pandaigdigan na Pagpupulong sa Ekonomiya, Trabaho at Produksiyon sa Salamim ng Qur’an at Itrat ay tinapos sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa nangungunang mga kalahok.

Sa pagsasalita sa seremonya ng pagsasara, sinabi ni Adel Peyghami, kalihim ng pagpupulong, "Ang mga kalahok ng siyentipikong kaganapang ito ay binubuo ng mga elite ng unibersidad at seminaryo, mga aktibistang pang-ekonomiya, at mga opisyal din ng bansa na nagsama-sama upang malaman ang tungkol sa mga turo ng Islam sa mahalagang isyu ng ekonomiya.”

"Ang pagpupulong ito ay natatangi sa mga tuntunin ng antas ng mga talakayan at gayundin ang mga pananaw ng Islam at Ahl al-Bayt sa pang-ekonomiya at panlipunang mga larangan," idinagdag niya.

Itinuro niya ang pagtanggap ng 250 na mga gawa mula sa 10 mga bansa sa daigdig bilang isa sa mga tagumpay ng pagtalakay na ito ng kongreso, at idinagdag, "Ang ilang libreng mga kurso sa pag-iisip ay ginanap sa mga mag-aaral sa giliran ng kaganapan."

Bilang isa sa mga pangunahing tagapagsalita ng kongreso, sinabi ni Abdolhamid Talebi, pinuno ng Pondasyong Sayantipiko at Pangkultura ng banal na dambana ng Imam Reza (AS), "Nasiyahan sa mga turo ng Qur’an at mga hindi nagkakamali na Imam (AS), ang kongresong ito ay nagsusumikap na lutasin ang mga problema ng bansa sa mga larangan ng ekonomiya, trabaho at produksyon.”

"Ginagawa ng banal na dambana ng Imam Reza (AS) ang lahat ng makakaya upang maisakatuparan ang salawikain ng Produksyon ng Bagong Taon ni Ayatollah Khamenei: batay sa kaalaman at paglikha ng trabaho," dagdag niya.

Ang seremonya ng pagsasara ng kongreso na alin mayroong kinatawaan na tagapag-alaga ng banal damabana ng Imam Reza (AS) at ilang bilang ng pambansang mga opisyal na dumalo ay natapos sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa mga may-akda ng nangungunang mga artikulo mula sa Iran, Tanzania, at Afghanistan.

 

Pinagmulan: Astan Quds Razavi

 

 

3478816

Name:
Email:
* Comment:
* :