IQNA

4:47 - May 24, 2022
News ID: 3004113
TEHRAN (IQNA) – Ang isang babaeng Palestino nagging pangalawa sa paligsahan ng Qur’an na pandaigdigan na ginanap sa Republika ng Tatarstan, Russia.

Si Isra Muhammad Assam Muflih Salah, ang dalagitang babae, ang nakakuha sa pangalawang gantimpala sa kategorya ng pagbigkas ng kumpetisyon, iniulat ng website ng Samanews.ps.

Pinuri ng ministro ng Awqaf ng Palestinong Awtoridad ang tagumpay at pinuri ang mga sentro ng pagsasaulo ng Qur’an ng bansa para sa pakibahagi sa naturang mga tagumpay.

Ang kumpetisyon ay ginanap sa kabisera ng Tatarstan ng Kazan mula Mayo 17 hanggang 20.

Limampung lalaki at babae na mga tagapagsaulo at mga mambabasa ng Qur’an mula sa 25 na mga bansa ang nakibahagi sa pandaigdigan na kaganapan.

Kabilang sa kalahok na mga bansa ang Indonesia, Britain, Uzbekistan, Libya, Qatar, Togo, Niger, Ivory Coast, Pakistan, Palestine, Turkey, Uganda, Ehipto, Yaman at Algeria.

Ang kumpetisyon ay naglalayong isulong ang pagsasaulo at pagbigkas ng Qur’an sa pagitan ng mga kabataan at iba pa, alinsunod sa mga tagapag-ayos.

 

3479009

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: