IQNA

6:21 - May 25, 2022
News ID: 3004117
TEHRAN (IQNA) – Si Mehdi Aghamohammad ang pinangalanang pinuno ng komite ng pag-aayos ng Ika-36 na Pagpupulong ng Pagkakaisang Islamiko na Pandaigdigan.

Siya ay hinirang sa isang utos ni Hojat-ol-Islam Hamid Shahriari, ang pinuno ng Talakayan para sa Kalapitan ng Islamikong mga Paaralan ng Kaisipan.

Ang susunod na edisyon ng pandaigdigan na kaganapan ay nakatakdang gaganapin sa Iran sa Oktubre.

Ang Iran ay taunang nagpunong-abala ng kumperensya sa Linggo ng Pagkakaisang Islamiko.

Ang ika-34 na edisyon ay ginanap din na pangbirtuwal noong nakaraang taon dahil sa pandemya ng mikrobyong korona.

Mahigit sa 160 na banyagang mga tagapagsalita mula sa 47 na mga bansa pati na rin ang 120 na Iranianong kilalang mga tao ang naghatid ng mga talumpati sa video na pagpupulong noong 2021.

Ang ika-17 na araw ng Rabi al-Awwal, na alin pumapatak sa Oktubre 13 sa taong ito, ay pinaniniwalaan ng Shia na mga Muslim na markahan ang anibersaryo ng kapanganakan ni Propeta Muhammad (SKNK), habang itinuturing ng Sunni na mga Muslim ang ika-12 araw ng buwan bilang ang kaarawan ng huling propeta.

Ang pagitan ng dalawang mga petsa ay ipinagdiriwang taun-taon bilang Linggo ng Pagkakaisang Islamiko.

Ang yumaong Tagapagtatag ng Islamikong Republika ng Iran na si Imam Khomeini (RA) ay idineklara ang okasyon bilang Linggo ng Pagkakaisang Islamiko noong 1980.

 

3479034

 

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: