IQNA

Pinarangalan ang mga Nanalo sa Kumpetisyon ng Qur’an sa Iraq

11:45 - June 21, 2022
News ID: 3004222
TEHRAN (IQNA) – Pinarangalan sa isang seremonya ang mga nagwagi sa kumpetisyon ng Qur’an na inorganisa ng Astan (tagapangangala) ng banal na dambana ni Imam Hussein (AS).

Ang kumpetisyon ay ginanap sa pagitan ng mga tanyag na taong Qur’aniko na Iraqi sa mga kategorya ng pagsasaulo at pagbigkas ng Qur’an.

Ang Dakilang Moske sa katimugang lungsod ng Kufa ang nagpunong-abala ng kaganapan, alinsunod kay Salah al-Silawi, isang opisyal ng Astan.

Sa pagsasaulo, lumabas na nauna hanggang sa ikatlo sina Haidar Sharqi, Hassan Abdul Ridha at Hussein Abdul Ridha, sabi niya.

Idinagdag ni Al-Silawi na si Falah Zalif ang nangungunang nagwagi sa kategorya ng pagbigkas habang pumangalawa si Abdullah Zuhair al-Husseini.

Sinabi niya na ang nangungunang mga nanalo ay ginawaran ng premyo sa paglalakbay ng Umrah ng tagapag-ingat ng Astan na si Sheikh Abdul Mahdi al-Karbalayi.

Kakatawanin nila ang Iraq sa mga kumpetisyon na pandaigdigan sa Qur’an, sinabi pa ni al-Saliwi.

Nabanggit din niya na ang kumpetisyon ay naglalayong bumuo ng isang kampanya sa pag-aaral ng Qur’an sa buong bansa.

Ang mga aktibidad sa Qur’an ay makabuluhang umunlad sa Iraq mula noong 2003 na ibagsak ang dating diktador na si Saddam Hussein.

Nagkaroon ng lumalagong kalakaran ng mga programang Qur’aniko katulad ng mga kumpetisyon, mga sesyon ng pagbigkas at mga programang pang-edukasyon na ginanap sa bansa nitong nakaraang mga taon.

 

 

 

 

3479377

Name:
Email:
* Comment:
captcha