IQNA

Magboluntaryo sa Britain na Mangingilak ng Pera para Magtayo ng Moske sa Afghanistan

11:02 - June 23, 2022
News ID: 3004228
TEHRAN (IQNA) – Isang boluntaryo sa lokal na sangay ng One Nation Humanitarian Charity sa Rochdale, isang bayan sa Greater Manchester, England, ay nangilak ng pera para sa pagpapatayo ng isang moske sa Afghanistan.

Si Fahad Akram, 30, ay naglalayong mangilak ng £7,000 upang maitayo ang bahay sambahan.

Sa ngayon, nangilak na siya ng £3,780 sa pamamagitan ng mga koleksyon ng bucket at biryani pagbenta.

Sinabi niya: “Ang masjid na ito (moske) ay magkakaroon ng kapasidad na 150-180 na katao kabilang ang isang lugar ng wudhu [isang banyong itinalaga para sa ritwal na paghuhugas bago ang pagdarasal].

"Ang proyektong ito ay napakalapit sa aking puso dahil gusto ko noon pa man ay magtayo ng masjid.

"Jazakallah Khayr [Nawa'y gantimpalaan kayo ng Allah ng kabutihan] sa lahat ng sumuporta at nagbigay ng abuloy."

Sinusuportahan ng One Nation ang mga lokal, pambansa at pandaigdigan na mga proyekto, mula sa pagbibigay ng mainit na pagkain at suporta para sa mga walang tirahan hanggang sa pagbibigay ng emerhensiya na tulong, malinis na tubig, pagkain, mga damit at mga tirahan sa nasalantang mga bansa sa buong mundo.

 

 

 

3479413

Name:
Email:
* Comment:
* :