IQNA

Ang mga Opisyal ay Dumalo sa Seremonyal na Paghuhugas ng Ka’ba sa Makka

20:22 - August 17, 2022
News ID: 3004439
TEHRAN (IQNA) – Dumalo ang ilang opisyal ng Saudi sa taunang seremonyal na paghuhugas ng Banal na Ka’ba sa Makka noong Martes ng umaga.

Kabilang sa mga ito ay ang Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman, na siya ring pangunahing kinatawan ng bansa at ang ministerio ng pagsasanggalang nito.

Pagdating sa Dakilang Moske, ang Crown Prince, na sinamahan ng Minister ng Sports Prince Abdulaziz bin Turki, ay tinanggap ni Sheikh Abdulrahman Al-Sudais, pinuno ng General Presidency para sa mga Kapakanan ng Dalawang Banal na mga Moske, iniulat ng Saudi Press Agency.

Nagsagawa siya ng tawaf (pag-ikot sa paligid ng Banal na Ka’ba) at nagsagawa ng dalawang rak'ah ng kusang pagdarasal. Pagkatapos nito, nagtungo siya sa loob ng Ka’ba, kung saan pinangunahan niya ang seremonya ng paghuhugas at pagkatapos ay nagsagawa ng dalawang rak’ah ng pagdarasal.

Kasama sa mga dumalo sa paghuhugas na seremonya ang Taif Governor Prince Saud bin Nahar bin Saud; Jeddah Governor Prince Saud bin Abdullah bin Jalawi; at ilang miyembro ng Council ng Senior na mga Iskolar, kabilang sina Sheikh Saleh bin Abdullah bin Humaid, Sheikh Abdullah bin Muhammad Al-Mutlaq, Sheikh Saad bin Nasser Al-Shathri, at Sheikh Bandar bin Abdulaziz Balila, at tagapag-ingat ng Ka’ba.

Ang taunang kaugalian na paghuhugas ng pinakabanal na dambana ng Islam ay ginanap gamit ang tubig ng Zamzam na may halong rosas na tubig, oud at iba pang mga pabango.

Ang paghuhugas ng Banal na Ka’ba ay ayon sa halimbawang ipinakita ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan).

Pinagmulan: saudigazette.com.sa

 

3480115

Name:
Email:
* Comment:
captcha