IQNA

Al-Azhar na Palawakin ang Mga Aktibidad ng mga Sentro ng Pagsasaulo ng Qur’an

15:32 - September 11, 2022
News ID: 3004530
TEHRAN (IQNA) – Sinabi ng departamento ng Qur’anikong mga Kapakanan ng Al-Azhar Islamikong Sentro ng Ehipto na palalawakin nito ang mga aktibidad ng kaakibat nitong mga sentro ng pagsasaulo ng Qur’an.

TEHRAN (IQNA) – Sinabi ng departamento ng Qur’anikong mga kapakanan ng Al-Azhar Islamikong Sentro ng Ehipto na palalawakin nito ang mga aktibidad ng kaakibat nitong mga sentro ng pagsasaulo ng Qur’an.
Mayroon ding mga plano na magpakilala ng mga bagong pamamaraan sa pagtuturo ng Qur’an sa mga sentro, idinagdag nito.
Bukod dito, magkakaroon ng mas mahigpit na pangangasiwa kung paano pinapatakbo ang mga sentro ng pagtuturo ng Qur’an, ang sabi ng departamento.
Kamakailan, ang Qur’anikong mga kapakanan ng departmento ng Al-Azhar ay nagsasaayos ng isang forum upang talakayin ang mga paraan para mahikayat ang mga mag-aaral na matuto at isaulo ang Qur’an.
Nagpalitan din ng kuru-kuro ang mga kalahok na kung paano tutulungang umunlad ang mga karunungan ng mga mag-aaral sa Qur’an.
Kamakailan ay nagsikap ang Al-Azhar na bumuo ng mga aktibidad na nauugnay sa Qur’an nito sa mga sentrong kaakibat nito sa buong Ehipto.
Kabilang sa mga palatuntunang ipinatupad nito ay ang naglalayong pahusayin ang kakayahan ng mga guro ng Qur’an, lalo na sa larangan ng pagbigkas.
Ang Al-Azhar ay ang pinakamalaking Islamikong sentro ng edukasyon at unibersidad na nauugnay sa Al-Azhar Moske.
Ito ay itinatag noong 972 ng Fatimid Caliphate bilang sentro ng pag-aaral ng Islamiko.

 
https://iqna.ir/en/news/3480401

captcha