Iyon ang pinakabagong hakbang upang magamit ang Artipisyal Intelligence (AI) sa Dakilang Moske.
Ang mga robot ay nagpapakita ng mga barcode na nagbibigay-daan sa mga gumagamit na i-dawnlod ang kanilang mga serbisyo sa personal na mga smartphone o pindutin ang mga utos sa mga robot upang makamtan ang impormasyon tungkol sa pagdasal ng mga imam, mga muezzin, lingguhang mga iskedyul kabilang ang mga pangalan ng mga kleriko na naghahatid ng lingguhang mga sermon sa Biyernes.
Ang maunlad na mga makina ay inilunsad ng Hepe ng Pangkalahatang Panguluhan para sa mga Kapakanan ng Dalawang Banal na Moske na si Sheikh Abdul Rahman Al Sudais.
"Ang paglulunsad ay bahagi ng isang malawakang diskarte na naglalayong hindi lamang maglunsad ng higit pang matalinong mga robot sa dalawang banal na moske, ngunit upang ipatupad ang Proyekto ng Smart Haram [Banal na Moske] ...," sinabi niya.
Sa nakalipas na mga buwan, isang mga serye ng mga robot ang inilunsad sa serbisyo sa Dakilang Moske para sa pagbibigay ng mga fatwa (relihiyosong mga kautusan), isterilisasyon at paglilinis ng taas ng bubong ng Banal na Kaaba na makikita sa moske, na binisita ng milyun-milyong mga Muslim mula sa buong mundo.