Inaresto ng distrto ng pulisya ng Ballari sa Karnataka ang apat na mga lalaki dahil sa umano'y paghagis ng mga tsinelas sa isang moske sa Siruguppa habang nagsasagawa ng prusisyon ng piyesta sa Ganesh noong Sabado.
Kinilala ang mga akusado na sina Nitesh Kumar, 22, sino naghagis ng mga tsinelas, sabi ng mga kaibigan niyang sina Bhimanna, 23, Ashok, 22 at Anjaneyalu, 21, ayon sa pulisya. Ang akusado sa pagtatangkang lumikha ng hidwaan sa bayan, ay naghagis ng mga tsinelas sa moske, sinabi ng pulisya.
Si Alok Kumar, karagdagang direktor heneral ng pulisya (batas at kaayusan), ay nag-tweet: "Nasagip namin ang mga akusado at ang naaangkop na legal na kilos ay ginagawa laban sa kanila."
Nasaksihan ng mga opisyal ng pulisya na nakalagay sa ruta ng prusisyon ang pangyayari ngunit sa una ay hindi nila alam kung sino ang nagtapon nito. Ang mga pag-aresto ay nangyari matapos ang isang video na lawaran ng akusado na naghagis ng mga tsinelas ay naging biral.