IQNA

Itinayo ang Istasyon ng Qur’an sa Landas ng mga Peregrino sa Arbaeen sa Dhi Qar ng Iraq

8:56 - September 14, 2022
News ID: 3004549
TEHRAN (IQNA) – Isang istasyon ng Qur’an ang itinayo sa landas ng mga nakikibahagi sa prusisyon ng Arbaeen sa lalawigan ng Dhi Qar sa Iraq.

Ang ilang bilang ng mga mag-aaral ng mga talentong Qur’aniko sa sentro ng Qur’an na kaanib sa Astan (pangangalaga) ng Banal na Dambana ng Imam Hussein (AS) ay naglunsad nito, ayon sa website ng Astan.

Nag-aalok sila ng Qur’anikong mga programa sa libu-libong mga peregrino na pupunta sa Karbala mula sa katimogang lalawigan ng Iraq sa panahon ng Arbaeen.

Dalawampu't limang mga guro ng Qur’an ng sentro ang tumutulong din sa mga peregrino na itama ang kanilang pagbigkas ng Surah Al-Fatiha, na alin binibigkas sa lahat ng pang-araw-araw na mga pagdasal.

Ang seremonya ng pagluluksa ng Arbaeen ay isa sa pinakamalaking pagtitipon na panrelihiyon sa mundo.

Ito ay minarkahan ang ika-40 araw pagkatapos ng Ashura, ang anibersaryo ng pagiging martir ng apo ni Propeta Mohammad (SKNK), si Imam Hussein (AS). Ang Arbaeen ngayong taon ay bumagsak sa Setyembre 17.

Bawat taon, isang malaking pulutong ng mga Shia ang dumadagsa sa Karbala, kung saan matatagpuan ang banal na dambana ni Imam Hussein (AS), upang magsagawa ng mga ritwal na pagluluksa.

Ang mga peregrino, pangunahin mula sa Iraq at Iran, ay naglalakbay ng mahabang mga ruta sa paglalakad patungo sa banal na lungsod.

 

 

3480454

captcha