IQNA

Ang mga Nanalo sa Paligsahan ng Qur’an na Pandaigdigan sa Mekka ay Ginawaran

10:52 - September 27, 2022
News ID: 3004597
TEHRAN (IQNA) – Inihayag ng mga magsasaayos ng Ika-42 ng Haring Abdul Aziz na paligsahan ng Banal na Qur’an na pandaigdigan sa Mekka ang nangungunang mga nanalo sa Qur’anikong kaganapan.

Ang paligsahan ay inorganisa sa Malaking Moske sa Mekka sa loob ng limang mga araw, na ang seremonya ng pagsasara ay ginanap noong Linggo.

Pinangalanan ng lupon ng mga hukom si al-Sayyid Muhammad al-Sanhouri mula sa Ehipto, Mohammed Marouf Omarev mula sa Kyrgyzstan, Ahmed Ashiri mula sa Morocco, Muhammad Khalil Habish mula sa Libya, at Ahmed Samoa mula sa Thailand bilang nangungunang mga nanalo sa limang mga kategorya ng paligsahan.

Sila at ang iba pang nangungunang mga kalahok ay tumanggap ng kanilang mga parangal, kabilang ang mga premyong salapi, sa seremonya, na alin dinaluhan ng Amir ng Mekka.

Alinsunod sa Kagawaran ng Islamikong mga Kaganapan ng Saudi, 153 na mga kalahok mula sa 111 na mga bansa ang lumahok sa patimpalak. Kasama nila ang mga may PhD at Master na digre sa mga larangan ng Qur’an.

Ang kagawaran ay inorganisa ng Paligsahan Pandaigdigan ng Haring Abdul Aziz para sa Pagsasaulo, Pagbigkas, at Pagpapakahulugan ng Banal na Qur’an taun-taon mula noong taong 1399 Hijri (1979).

 

 

3480629

Name:
Email:
* Comment:
captcha