IQNA

Binigyang Katapusan ng Sentrong Qur’aniko ang mga Programa ng Arbaeen sa Lebanon

8:30 - September 28, 2022
News ID: 3004601
TEHRAN (IQNA) – Ang Sentrong Pagpapalaganap Pang-Qur’an na kaanib sa Astan (pangangalaga) ng Banal na Dambana ng Imam Hussein (AS) ay nagtapos sa espesyal na mga aktibidad na Qur’aniko nito para sa Arbaeen sa Lebanon.

Sinabi ni Ali Abulhassan, ang pinuno ng sangay sa Lebanon ng sentro, na nag-oorganisa nito ng mga programang Qur’aniko sa iba't ibang mga  okasyong panrelihiyon.

Sinabi niya na ang mga ito ay naglalayong isulong ang kultura ng Qur’an sa lipunan, ayon sa website ng Astan.

Idinagdag ni Abulhassan na ang panahon ng Arbaeen ay isang pangunahing okasyong panrelihiyon at ang mga aktibidad ng Qur’aniko na ipinatupad ng sentro sa panahon ng Arbaeen ay tinanggap nang mabuti.

Sinabi niya na isa sa mga aktibidad ay ang paglagay ng istasyong Pang-Qur’an sa daan ng mga peregrino na bumibisita sa Damabana ng Nabi Sari, na isang banal na pook.

Ang iba't ibang mga programa sa Qur’an ay ginanap sa istasyon at ang ilan sa mga nakikibahagi sa mga programa ay pinili sa pamamagitan ng pagparipa at ginawaran ng paglalakbay na biyahe sa banal na dambana ng Hazrat Zaynab (SA) sa Damascus, Syria, idinagdag niya.

Ang Arbaeen ay minarkahan ang ika-40 na araw pagkatapos ng Ashura, ang anibersaryo ng pagiging bayani ng apo ni Propeta Mohammad (SKNK), si Imam Hussein (AS). Bumagsak ang Arbaeen ngayong taon noong Setyembre 17.

Ang mga Muslim, lalo na ang mga Shia, ay dumalo sa mga ritwal ng pagluluksa pati na rin sa iba pang mga programang panrelihiyon sa mga moske, mga sentro ng panrelihiyon at mga banal na lungsod sa iba't ibang mga bansa sa panahon ng Arbaeen.

 

 

3480620

Name:
Email:
* Comment:
captcha