IQNA

Sinabi ni Karzai na ang Paglaban sa Terorismo ay Maaaring Praktikal na Palakasin ang Pagkakaisa

13:01 - October 11, 2022
News ID: 3004652
TEHRAN (IQNA) – Sinabi ng dating Afghanong pangulo na si Hamid Karzai na ang paglaban sa ekstremismo at terorismo ay isang praktikal na kalutasan para sa pagpapatibay ng pagkakaisa sa mundo ng Muslim.

Ginawa niya ang mga pahayag habang tinutugunan ang Ika-36 na Pagpupulong ng Pagkakaisang Islamiko na Pandaigdigan noong Linggo sa isang birtuwal na pagpupulong.

“Ngayon, ang mundo ng Islam ay nakikibaka sa dalawang mapangwasak na phenomena ng ekstremismo at terorismo, na alin itinuturing na isang seryosong banta sa pagkakaloob ng panrelihiyong interes at kolektibong interes ng mga Muslim. Ang dalawang masasamang phenomena na ito ay konektado at nauugnay sa isa't isa" sinabi niya.

Itinuro niya na ang ekstremismo ay pinagmumulan ng terorismo at ang terorismo ay isang salik ng pagtataguyod ng ekstremismo at binanggit na "Ang pagtatatag at pagkakahanay ng ilang mga bansang Islam sa paglilinang at pagpapalawak nito ay humantong sa paglitaw ng mga lokal na uri nito sa mundo ng Islam at nagpatindi ng Islamophobia sa mundo."

"Walang alinlangan, ang pagkalat ng ekstremismo ay nagaganap sa layuning matiyak ang mga interes sa pulitika, na alin nagdudulot ng mabibigat na mga kaswalti at mga pinsala," dagdag ni Karzai.

Para sa isang praktikal na kalutasan upang palakasin ang kapatiran at pagkakaisa sa Islamikong lipunan, pinanindigan niya, "Dapat nating bigyang-pansin ang dalawang pangunahing mga punto: Una, sinusubukang lutasin ang salungatan ng mga interes sa pandaigdigan na relasyon, at, pangalawa, paglaban sa ekstremismo at terorismo.”

"Iminumungkahi ko na sa layunin ng pagsasama-sama ng kapatiran, pagpipigil sa impluwensya ng panlabas na mga isyu sa mga relasyon sa pagitan ng mga bansang Islamiko at pagbubukas ng pinto para sa nakabubuo na pakikipag-ugnayan sa ibang mga bansa, dapat nating pag-isipan ang pagbalangkas ng isang pandaigdigang batas ng moderasyon bilang isang pandaigdigang yunit para sa lahat na mga miyembro,” sabi niya.

Ang World Forum for Proximity of Islamic Schools of Thought ay nag-oorganisa ng ika-36 na edisyon ng Pagtitipon ng Pagkakaisang Islamiko sa Oktubre 9-11 na may partisipasyon ng mga iskolar ng Muslim mula sa 60 na mga bansa.

 

 

3480788

captcha