Habang ang bulwagan ng kumperensiya ay ginamit na punong-abala ng kumpetisyon sa loob ng maraming mga taon, ang pook ng kaganapan ay nagbago sa nakaraang mga taon para sa iba't ibang mga dahilan.
Ngayon, alinsunod kay Hamid Majidimehr, pinuno ng Kinatawan ng Qur’an at Etrat ng Iranianong Samahan ng Awqaf at Kawanggawa na mga Kapakanan, babalik ang kumpetisyon sa Bulwagan ng Pagpupulong sa Tehran sa ika-39 na edisyon nito.
Sabi niya, ang malaking kapasidad ng bulwagan, ang magagandang imprastraktura at teknikal na mga pasilidad nito, at ang bihasang mga tagapamahala nito ay kabilang sa mga dahilan kung bakit ito muling napiling magpunong-abala sa bantog na kaganapan.
Ang bulwagan na ito ay itinayo upang magpunong-abala ng dayuhang mga bisita sa unang lugar at samakatuwid ay mabuti para sa pagpunong-abala ng mga kaganapan na pandaigdigan katulad ng kumpetisyon ng Qur’an, idinagdag niya.
Ang pagdadaraos ng kumpetisyon sa Bulwagan ng Pagpupulong sa Tehran ay magiging patunay na ang Islamikong Republika ng Iran, ang pinakamahusay na mga pasilidad ay nasa serbisyo ng Banal na Aklat at ang Qur’an ang pangunahing priyoridad sa lipunan ng Islamikong Iran, sinabi pa ni Majidimehr.
Ang huling ikot ng Ika-39 na Paligsahan ng Qur’an na Pandaigdigan sa Iran ay nakatakdang isagawa nang personal sa okasyon ng Mab'ath, na alin bumagsak sa kalagitnaan ng Pebrero 2023, nauna nang sinabi ng opisyal. Ang Mab'ath ay ang anibersaryo ng araw na si Propeta Muhammad (SKNK) ay pinili bilang sugo ng Panginoon.
Inilarawan ni Majidimehr ang kumpetisyon ng Iran bilang ang pinakamalaki at pinakakredito na paligsahan ng Qur’an na pandaigdigan sa mundo sa mga tuntunin ng hindi lamang ang bilang ng mga kalahok kundi pati na rin ang organisasyon nito at ang teknikal na mga aspeto nito.
Ang Samahan ng Awqaf at Kawanggawa na mga Kapakanan ng Iran ay nagtataglay ng kumpetisyon taun-taon na may paglahok ng mga mambabasa at mga magsasaulo ng Qur’an mula sa iba't ibang mga bansa.
May kabuuang 62 na mga qari at mga magsasaulo mula sa 29 na mga bansa ang nakipagkumpitensya sa huling ikot ng huling edisyon, na alin ginanap sa birtuwal (onlayn) dahil sa pandemya na mikrobyong korona.