Ang espesyal na mga kurso ay nakaayos sa Bulwagan ng Khatam al-Anbiya ng dambana sa Karbala, Iraq, iniulat ng website ng Astan.
Sinabi ni Mortaza Jamaleddin, ang kinatawan na pinuno ng sentro, na ang mga kurso ay kinabibilangan ng mga aralin sa Ayat al-Ahkam tungkol sa kalakalan, mga pinansiyal na kasunduan at mga kontrata pati na rin ang mga patakaran tungkol sa kasal, diborsiyo, pagmana, at iba pa.
Ang Ayat al-Ahkam o 'mga talata ng mga tuntunin' ay mga talata ng Banal na Qur’an kung saan nagmula ang mga legal na pasiya.
Idinagdag ni Jamaleddin na ang mga klase ay ginaganap bawat linggo tuwing Huwebes ng hapon at tatakbo ng anim hanggang siyam na mgga buwan.
Isang kabuuan ng 125 na mga guro ng Qur’an mula sa iba't ibang mga lalawigan ng Iraq, kabilang ang Baghdad, Babil, Karbala at Najaf, ang kumukuha ng kurso, sinabi niya.
Ang mga klase ay nai-brodkas nang buhay tuwing Huwebes sa Karbala satellite TV network, ayon sa opisyal.