Ang pankultura at intelektwal na bahagi ng Astan (pangangalaga) ng Banal na Damabana ng Hazrat Abbas (AS) ay nag-organisa ng kurso sa ilalim ng pangangasiwa ng Sentro para mga Pag-aaral na Aprikano.
Sinabi ni Sayed Sattar Al-Shamari, patnugot ng sentro, na maraming mga iskolar mula sa iba't ibang mga unibersidad ng Iraq ang nagtuturo ng mga aral ng kurso.
Sinabi niya na ito ay isa sa mga serye ng mga programang Qur’aniko na gaganapin para sa mga mag-aaral sa seminaryo ng Aprika, iniulat ng website ng Al-Kafeel.
Idinagdag ni Al-Shamari na ang mga programa ay naglalayong itaguyod at ipaliwanag ang mga turo ng Qur’an para sa mga mag-aaral sa seminaryo mula sa mga bansang Aprikano.
Ang patuloy na kurso, sabi niya, ay nakakatulong upang mapahusay ang kaalaman ng mga estudyante sa Qura’n at makikinabang din sila sa kanilang pag-aaral sa seminaryo.
Ang mga mag-aaral mula sa iba't ibang mga bansa sa Aprika ay nag-aaral ng mga agham ng Islam sa Islamikong Seminaryo ng Najaf, isa sa pinaka-prestihiyosong mga seminaryo ng Shia sa mundo.
Pagkatapos ng kanilang pag-aaral, karamihan sa kanila ay bumalik sa kanilang sariling bansa upang ipalaganap ang mga turo ng Islam.