IQNA

Ang Nauna sa Pangwakas na Paligsahan ng Qur’an na Pambansa ay Isinasagawa sa Brunei

13:29 - November 17, 2022
News ID: 3004795
TEHRAN (IQNA) –Nagsimula na ang nauna na pangwakas na Pambansang Paligsahan ng Pagbigkas ng Al-Qur’an sa Brunei noong Lunes.

Ang kumpetisyon ay gaganapin para sa mga matatanda para sa 1444 Hijrah. Nagsimula ang apat na araw na nuana na pangwakas sa International Convention Center (ICC) sa Berakas.

Ang kumpetisyon ay inorganisa ng Kagawaran ng Panrelihiyon na mga Kapakanan [Ministry of Religious Affairs (MoRA)] sa pamamagitan ng Dibisyon ng Katanyagang Islamiko.  

May kabuuang 54 na mga kalahok, na binubuo ng 41 na mga kalalakihan at 13 na mga kababaihan, ang nakikipaglaban para sa isang puwesto sa pangwakas.

Ang pag-anunsyo ng mga resulta at pagtatanghal ng mga premyo at mga alaala sa mga kalahok at hurado ay gaganapin sa Huwebes sa parehong lugar.

Maaaring subaybayan ng publiko ang kumpetisyon nang buhay sa pamamagitan ng opisyal na Instagram akawnt ng MoRA na @kheu.brunei.

                                                                                                                                                                                                               

 

3481261

captcha