Inorganisa ng Konseho ng mga Mufti ng Russia ang kumpetisyon sa pakikipagtulungan sa Pandaigdigang Unyon ng mga Muslim.
Ang Moske na Cathedral sa Moscow ay nagpunong-abala ng pandaigdigang kaganapan, iniulat ng website ng Al-Osbou.
Sa pagtutugon sa seremonya ng pagbubukas, si Sheikh Rushan Abbyasov, ang kinatawang pinuno ng Konseho ng mga Mufti na Ruso, sa ngalan ng pangulo ng konseho na si Sheikh Rawil Gaynutdin, ay tinanggap ang mga kalahok at sinabing ang pagpunong-abala ng paligsahan ay isang malaking karangalan para sa Moscow.
Nagpahayag siya ng kasiyahan na makitang muling gaganapin ang kumpetisyon pagkatapos ng dalawang taong pahinga dahil sa pandemya ng mikrobyong korona.
Sinabi rin ng kleriko na sinumang lalahok sa naturang mga paligsahan ay isang nagwagi na may mga biyaya ng Banal na Qur’an anuman ang mga resulta.
Ayon kay Ismail Gundulin, ang tagapag-ugnay ng komite sa pag-aayos, ang mga kinatawan ng 21 na mga bansa ay nakikilahok sa kaganapan sa taong ito.
Ang Iraniano na qari na si Seyed Mostafa Hosseini ang magiging ika-17 na kalaban na magpapakita ng kanyang mga talento sa pagbigkas ng Qur’an sa kumpetisyon.
Ang Kuwait, Iraq, Tajikistan, Uzbekistan, Lebanon, United Arab Emirates, Sudan, Ehipto, Morocco, Kazakhstan, Syria, Tanzania, Bangladesh at Yaman ay kabilang sa iba pang mga bansang nakikilahok sa kaganapan na Qur’aniko na pandaigdigan.
Ang mga kasapi ng lupon ng mga hukom ay mga dalubhasa sa Qur’an mula sa Yaman, Turkey, Lebanon, Russia, at Saudi Arabia.
Ang paligsahan ay gaganapin sa kabisera ng Russia hanggang Lunes, ayon sa mga tagapagsaayos.