IQNA

Moske sa Bucharest: Isang Pamana ng Pagpaparaya at Mapayapang Pakikipamuhay

16:50 - December 17, 2025
News ID: 3009198
IQNA – Ang Moske ng Hunkar sa Bucharest, ang kabisera ng Romania, ay nagsisilbing sagisag ng tradisyon ng bansang ito sa Timog-Silangang Uropa hinggil sa relihiyosong pagpaparaya at mapayapang pakikipamuhay.

The Hunkar Mosque in Bucharest, the capital of Romania stands as a symbol the Southeast European country’s tradition of religious tolerance and peaceful coexistence

Patuloy din itong nagsisilbi bilang isang aktibong lugar ng pagsamba at bilang isang pangmatagalang simbolo ng malalim na pagkakaibigan sa pagitan ng Turkey at Romania.

Itinayo noong 1906 ni Haring Carol I, isang Kristiyanong monarko, para sa paggamit ng pamayanang Muslim, ang Moske ng Hunkar ay sumasalamin sa matagal nang tradisyon ng Romania sa relihiyosong pagpaparaya at mapayapang pakikipamuhay.

Ang moske ay kamakailan lamang itinampok sa huling bahagi ng tatlong-yugtong espesyal na ulat ng Anadolu Agency na pinamagatang “Turkey–Romania Friendship Bridges.”

Sinabi ni Imam Mehmet Ertugrul, sino naglingkod sa moske sa loob ng halos apat na mga taon, na ang Bucharest ay nagbibigay ng ligtas at inklusibong kapaligiran para sa mga Muslim.

Binanggit niya na hindi laganap ang Islamopobiya sa Romania at binigyang-diin ang magalang at mapagmalasakit na pag-uugaling karaniwang nakikita sa pang-araw-araw na buhay.

Binigyang-diin naman ng ikalawang Imam na si Memis Firaz, isang Turko-Tatar mula sa Constanța, ang kahalagahan ng pagpapanatili ng wika, pananampalataya, at pangkultura na pagkakakilanlan sa paglipas ng mga henerasyon.

Bilang nagmula sa isang pamilyang may tatlong henerasyong tradisyon ng pagiging imam, itinampok ni Firaz ang papel ng pagpapatuloy ng pangkultura sa loob ng pamayanang Muslim.

Sinabi ng negosyanteng si Cesur Durak, isang kasapi ng kongregasyon ng moske at apo ng isang beteranong ginawaran ng Independence Medal ng Türkiye, na ang pagdadala ng pagkakakilalan ng Muslim sa Romania ay may kaakibat na mabigat na pananagutan.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng paggalang sa pamana ng mga ninuno sa pamamagitan ng positibong representasyon.

Mayroon ding makasaysayang kahalagahan ang moske dahil sa paglilipat nito. Noong 1959, ito ay binaklas nang paisa-isang bato bilang bahagi ng isang proyekto ng monumento sa Carol Park at muling itinayo noong 1960 sa kasalukuyan nitong lugar gamit ang orihinal na plano ng arkitektura.

 

3495750

captcha