IQNA

Pinarangalan ang mga Anak ng mga Bayani sa Gaza dahil sa Pagsasaulo ng Quran

17:58 - December 16, 2025
News ID: 3009195
IQNA – Apatnapu’t apat na mga anak ng mga bayani sino nagsaulo ng Quran ang pinarangalan sa isang pagdiriwang sa Gaza.

Forty-four children of martyrs who have memorized the Quran were honored in a ceremony in Gaza (December 2025).

Pinuri sila sa kanilang tagumpay sa isang palatuntunang pinamagatang ‘Mga Anak ng mga Tagapanguna’, ayon sa ulat ng Al Jazeera.

Ito ay bahagi ng isang proyektong ipinatupad sa kauna-unahang pagkakataon sa Gaza Strip na naglalayong punan ang pagkawala ng ama ng mga batang ito sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng isang kapaligirang pang-edukasyon at pag-aalaga.

Isinagawa ang pagdiriwang sa kampo ng mga taong-takas sa Al-Bureij sa gitna ng Gaza Strip upang parangalan ang mga bata matapos nilang makumpleto ang pagsasaulo ng Banal na Quran. Dinaluhan ito ng mga pamilya ng mga bata at ng isang pangkat ng mga tagapag-alaga at mga guro.

Kasama sa pagdiriwang ang mga palatuntunang panrelihiyon at pang-edukasyon katulad ng pagbigkas ng Quran at mga pagtatanghal sa teatro kung saan inilarawan ng mga bata ang kanilang mga karanasan sa pagsasaulo ng Quran at sa pag-aaral ng Seerah ng Banal na Propeta (SKNK) at ng mga pagpapahalagang Islamiko.

Sinabi ng mga tagapag-ayos na tumagal ng apat na mga buwan ang proyekto, sa kabila ng mahihirap na kalagayang pangseguridad dulot ng digmaang mapuksa ng rehimeng Israel laban sa bahaging pook na Palestino. Nakatuon ang proyekto sa pagtuturo ng Banal na Quran, kabilang ang pagbigkas at pagpapakahulugan nito, kasama ang Seerah ng Propeta at mga kagandahang-asal ng Islamiko, na may layuning palakihin ang mga anak ng mga bayani batay sa matibay na pundasyong panrelihiyon at pang-edukasyon.

Binanggit ng mga opisyal na ang proyekto ay pinangasiwaan ng dalubhasang babaeng mga guro at naglalayong punan ang pagkawala ng ama sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang mapag-arugang kapaligirang pang-edukasyon na tumutulong sa paghubog ng isang henerasyong mulat at tapat sa kanilang mga pagpapahalaga at pagkakakilanlan. Sa pagtatapos ng pagdiriwang, pinarangalan ang mga batang sino nagsaulo ng Banal na Quran sa isang espirituwal at masayang kapaligiran.

Pinasalamatan din ang lahat ng sumusuportang mga organisasyon at ang mga sangkot sa proyekto, at ang mga dumalo ay nagdasal na ang mga batang ito ay maging mga tagapagdala ng Quran at mga pinuno sa hinaharap.

 

3495742

captcha