IQNA

Samahan ng mga Magtuturo ng Qur’an Itinatag sa Mauritania

11:25 - December 06, 2022
News ID: 3004868
TEHRAN (IQNA) – Isang samahan para sa mga magtuturo at mga dalubhasa ng Banal Qur’an na itinatag sa Mauritania ang nagsimula ng mga aktibidad nito sa isang seremonya sa kabisera ng Nouakchott.

Iyon ay naglalayon sa pag-oorganisa at pag-uugnay ng mga aktibidad ng mga magtuturo at mga dalubhasa ng Qur’an at pagpapabuti ng kanilang mga kondisyon upang mas mahusay na mapaglingkuran ang mga mag-aaral ng Qur’an, sinabi ng tagapagsalita ng samahan.

Sa pagbigay ng talumpati sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Lamrabit Ould Sayedi na hinahangad din nitong alisin ang mga hadlang sa mga aktibidad ng mga magtuturo, iniulat ng pahayagang Al-Akhbar.

Sinabi niya na ang mga magulang ay maaaring umasa sa samahan bilang isang magandang mapagkukunan para sa pagpili ng mga magtuturo ng Qur’an na kuwalipikado sa propesyonal at moral na pagtuturo sa kanilang mga anak.

Ang organisasyon ay nagsisilbing isang ugnayan sa pagitan ng mga pamilya, Qur’aniko na mga institusyon at mga magtuturo at mga daubhasa ng Qur’an, idinagdag ng tagapagsalita.

Sinabi pa niya na ang organisasyon ay magsisikap na isulong ang pangkatang gawain sa mga kasapi nito at itaas ang antas ng kanilang mga kasanayan at kadalubhasaan.

Binibigkas din ni Lamrabit Ould Sayedi ang mga talata mula sa Banal na Qur’an sa seremonya ng pagbubukas.

Ang Islamikong Republika ng Mauritania ay isang bansa sa rehiyon ng Maghreb sa kanlurang Hilagang Aprika.

Ang mamamayan ng bansa ay tinatayang humigit-kumulang 4 na milyon at halos lahat ng mga Mauritaniano ay mga Muslim.

Ang mga aktibidad at mga programa ng Qur’an ay napakakilala sa bansang Aprikano.

Ang sumusunod ay video ng pagbigkas ng Qur’an ni Lamrabit Ould Sayedi:

 

 

3481514

Name:
Email:
* Comment:
captcha