Pinasinayaan sa pamamagitan ng ISESCO Patnugot na Pangkalahatang si Salem bin Muhammad Al-Malik noong Miyerkules, ang pagtatanghal ng "Mga Sinsilyo" ay nagpapakita ng mga halimbawa mula sa Aklatan na Pampubliko ng Haring Abdulaziz ng Saudi Arabia.
Ipinapakita ang "pinaka-mahalagang" mga manuskrito at mga sinsilyo ng aklatan, ipinaliwanag ng patnugot ng aklatan na si Bandar Al-Mubarak, at idinagdag na ang mga ito ay nagmula sa iba't ibang mga panahon at naghahayag ng mga aspeto ng kasaysayan ng Islam at ang pakikitungo nito sa ibang mga sibilisasyon at mga lipunan.
Ang eksibisyon ay naglalaman ng modelo ng mga dinar at mga dirham mula sa iba't ibang mga yugto ng dinastiyang Umayyad, simula sa taong 78 pagkatapos ng Hijra (AH) hanggang 126 AH. Ang pera ng Abbasid mula sa mga taong 138 AH hanggang 343 AH ay ipinapakita din.
Ipinaliwanag ni Al-Mubarak na ang mga lipunang Muslim ay gumamit ng Byzantine (Romano), Sasaniano, at iba pang mga pera bago ang Umayyad na kalip na si Abd al-Malik ibn Marwan ay "nagpasimula ng Arabisasyon ng Islamikong Arabo na pera sa mga yugto."
Bilang karagdagan, ang kaganapan ay nagpapakita ng mga sinsilyo mula sa Ehipto, Levant, Morokko, at Arabiano na peninsula, na ang mga sibilisasyon ay puro nakatutok sa Mekka at Madina.
Inilarawan ni Ahmed bin Abdulaziz Al-Bulahid, Kalihim-Heneral ng Pambansang Komite para sa Edukasyon, Kultura, at Agham, inilarawan ang eksibisyon bilang "mahalaga at kahanga-hanga," na tumuturo sa mahusay na pagpasok para sa kaganapan pati na rin ang isang mahusay na pagtanggap para sa paraan ng pagtatanghal nito bahagi ng kasaysayang Islamiko.
"Idiniin niya na maraming mga panauhin sa eksibisyon ang naniniwala na ang mga eksibit ay tumpak na mga kopya ng orihinal na mga sinsilyo, ngunit sila ay namangha nang malaman nila na ang mga ito ay orihinal, mula noong libu-libong mga taon," sinabi ng isang pahayag tungkol sa kaganapan.
Pinagmulan: moroccoworldnews.com