IQNA

Ang Islamopobiko na Graffiti ay Pinupuntarya ang mga Bosniano Habang Inilunsad ng Pulisya ang Pagsisiyasat

11:22 - February 06, 2023
News ID: 3005120
TEHRAN (IQNA) – Ang Islamopobikong graffiti at mga larawan na ipininta sa Capljina sa Bosnia and Herzegovina ay nagpasiklab ng galit mula sa mga mamamayan noong Sabado habang naglunsad ang pulisya ng imbestigasyon sa kaso.

Ang mga artikulong nagbabanta katulad ng "Patayin ang Balija (isang paghahayag ginamit upang mang-insulto sa mga Muslim sa Bosniano)" at "Papatayin namin ang mga babaeng Muslim at mga bata," ay isinulat sa Tulay ng Franje Tudjman sa Capljina, kung saan ang populasyon ng Croat ay nakatira.

"Ang mga larawan nakapinta sa pader ay isinulat ng iresponsableng mga tao na naglalayong ipahiya ang populasyon ng Bosniak at ipalaganap ang poot, hindi pagpaparaan at pagkakahati-hati sa mga residente ng Capljina. Umaasa kami na ang mga salarin ay matagpuan at ang iba't ibang mga institusyon ay tumugon." sinabi ni Tagapagsalita ng Namamahala ng Lungsod Danijela Nogolica.

Hinimok niya ang mga residente na maging responsable sa kanilang mga sarili at sa iba at idinagdag na kinondena ng pamahalaang lungsod ang aksyon at pininturahan ang graffiti.

Sinabi ng pulisya ng Capljina na isang imbestigasyon ang inilunsad upang hanapin at parusahan ang mga salarin.

Inatake ng mga tampalasan ang isang moske noong linggo sa hilagang-silangan ng Bosnia Herzegovina na nagdulot ng galit at malawakang pagpuna.

Ang Dasnica Moske sa Bijeljina ay pinaihian ng hindi kilalang mga tao ang mga dingding nito, ayon sa Asamblea ng Unyong Islamiko.

 

 

3482351

Name:
Email:
* Comment:
captcha