IQNA

Ika-9 na Paligsahan ng Qur’an Uropiano na Gaganapin sa Marso

7:40 - February 15, 2023
News ID: 3005158
TEHRAN (IQNA) – Ang ikasiyam na edisyon ng Paligsahan ng Qur’an Uropiano ay nakatakdang gaganapin sa Marso 2023.

Ang kumpetisyon ay taunang inorganisa ng Dar-ol-Qur’an ng Almanya, na kaanib sa Islamic Center Hamburg.

Ayon sa pambungad na anunsyo, gaganapin ang paligsahan sa Marso 10-12.

Ang karagdagang mga detalye tungkol sa mga kategorya ng kumpetisyon at ang mga ugnayan (link) para sa pagpaparehistro ay nakatakdang ipahayag sa pamamagitan ng mga tagapag-ayos.

Ang pangwakas ng ikawalong edisyon ng kaganapan ay ginanap noong huling bahagi ng Abril 2022 at natanggap ng mga nanalo ang kanilang mga parangal noong unang bahagi ng Mayo.

Ang paunang yugto ng huling edisyon ay ginanap na pangbirtuwal na kasama ang panghuli ay ginanap nang personal sa Islamic Center Hamburg.

Ang pagbigkas ng Qur’an, Tarteel, pagsasaulo, pagpapakahulugan at mga konsepto ng Qur’an, Adhan, at Tawasheeh ang mga kategorya ng kaganapan.

Ang mga Muslim mula sa lahat ng mga paaralang kaisipan na Islamiko sino naninirahan sa mga bansang Uropiano ay maaaring makilahok sa kumpetisyon.

Ang taunang kumpetisyon ay naglalayong itaguyod ang kultura at mga turo ng Qur’an, pagkilala at pag-aalaga ng mga talento ng Qur’an, at pagpapahusay ng pagkakaisa sa pamayanang Qur’aniko sa Uropa.

 

 

3482356

captcha