IQNA

Nagtapos ang Kumpetisyon ng Qur’an sa Estado ng Sabah sa Malaysia; Nangungunang mga Papremyo Nakuha sa mga Guro ng Paaralan

8:14 - March 05, 2023
News ID: 3005231
TEHRAN (IQNA) – Isang kumpetisyon sa Qur’an sa antas ng estado sa Kota Kinabalu, ang kabisera ng estado ng Sabah ng Malaysia, ay nagtapos at dalawang mga guro ng paaralan ang lumabas bilang mga nagwagi sa mga bahagi ng kalalakihan at kababaihan.

Ang kampeon para sa kategorya ng lalaki na si Hamdi Yusof, 27, sino nagtuturo sa Sekolah Agama Papar, ay nagsabi na ito ang pangalawang pagkakataon na nakatanggap siya ng parangal matapos manalo sa parehong kategorya noong nakaraang taon mula nang sumali sa kumpetisyon noong 2015.

Sinabi ni Hamdi, ang panganay sa limang mga magkakapatid, na hindi siya naglaan ng anumang tiyak na oras sa pagsasanay at ginamit lamang niya ang oras habang nagmamaneho sa kanyang sasakyan para maganap ang kanyang pagbigkas.

"Nagsimula akong matutong magbasa ng Qur’an nang impormal mula sa aking yumaong ama at nang maglaon ay upang mapabuti ang aking mga kasanayan sa pagbigkas at matuto nang higit pa sa mga patakaran at mga pamamaraan ng pagbabasa, humingi ako ng tulong sa mga tagapagturo ng Qur’an at Tajweed alinman sa onlayn o direkta," sinabi niya nang makilala ng mga mamamahayag pagkatapos ng seremonya ng pagsasara at pagtatanghal ng premyo noong Biyernes.

Ang Sabah Yang Dipertua Negeri, Tun Juhar Mahiruddin ang nagbigay ng mga premyo. Naroon din ang kanyang asawang si Toh Puan Norlidah R.M Jasni, Punong Ministro na si Datuk Seri Hajiji Noor at mga ministro ng Gabinete ng Sabah.

Ang nagwagi sa kategorya ng kababaihan, si Nabilah Syafawati Safari, 27, isang guro sa Sekolah Kebangsaan Tetagas Nabawan, ay nagsabi na ang kanyang ama, sino kampeon sa kategorya ng mga lalaki noong 1996, ay nagturo sa kanya na magbasa ng Qur’an.

Sinabi ni Nabilah Syafawati na bukod sa kanyang ama, nakatanggap din siya ng gabay ng isang dating kampeon sa antas na pandaigdigan sa Asemblea ng Pagbabasa ng Qur’an, si Muhammad Anuar Ghazali.

"Hindi ko akalain na mananalo. Premyong konsolasyon lang ang pinuntirya ko kasi mahina pa ako sa pagbigkas ko," sinabi ni Nabilah Syafawati sino naging kalahok simula pa noong 2014.

Ang parehong mga kampeon ay nakatanggap ng premyong pera na RM10,000, isang tropeo, isang sertipiko ng papasalamat, isang umrah na paglalakbay na donasyon ng Sabah Baitulmal na Korporasyon, isang relo na donasyon ng Tanggapan ng Kalihim ng Estado ng Sabah, isang set ng damit mula sa Jakim at isang paalaala na donasyon ng Kagawaran ng mga Kapakanang Islamiko ng Sabah (JHEAINS).

Samantala, sa paligsahan ng pagsasaulo, sa kategorya ngb mga kalalakihan ang nanalo ay si Muhammad Iman Izzuddin Jamaludin, 21, sino may kapansanan sa paningin, habang ang kategorya ng kababaihan ang nanalo ay si Nur Alia Rafidah Supu, 20.

Makakatanggap sila ng premyong pera na RM 7,000, isang tropeo, isang sertipiko, isang relo na donasyon ng SESB, isang set ng damit na donasyon ng Jakim at isang paalaala mula sa JHEAINS.

 

 

3482687

captcha