Dumating ito sa gitna ng patuloy na hindi pagkakasundo sa pagitan ng isang komite na anti-moske at ng pamayanang Muslim.
Ang kuha ng video ng CCTV na ibinunyag ni Muaz Razaq, isang kinatawan ng mga miyembro ng pamayananag Muslim sino sumusuporta sa moske, ay nagpapakita ng dalawang mga tao na nagtatapon ng hindi kilalang puting basura sa kalye nang ilang beses bandang 7:30 p.m. sa Miyerkules.
Ang video ay nagpapakita rin ng isang tao na may hawak na payong, tila upang itago ang kanyang mukha mula sa pagkuha sa pelikula. Matapos mag-isprey ng likido sa loob ng halos 20 segundo, lumipat ang dalawa sa dulo ng eskinita.
Ang mga kasapi ng pamayanang Muslim ay nagsampa ng petisyon sa isang portal na sayt na pinamamahalaan ng Komisyon na Laban sa Katiwalian at mga Karapatang Pantao (Anti-Corruption and Civil Rights Commission) at planong iulat ang bagay sa pulisya, na nagsasabing ang likido ay taba ng hayop batay sa amoy.
Itinuturing ng mga miyembro ng pamayanang Muslim ang insidente bilang isa pang pag-atake laban sa kanila, dahil naganap ito kung saan ang mga sumasalungat sa pagtatayo ng moske ay nagsagawa ng mga protesta sa nakaraan.
Ang komite ng anti-moske ay naglagay ng ulo ng baboy at nagdaos ng salo-salo na barbecue baboy sa harap ng lugar ng moske upang iprotesta ang pagtatayo nito.
Itinanggi ng komite ang anumang ugnayan sa pinakabagong pangyayari.
Ang pagtatayo ng moske ay nagdulot ng patuloy na pagtigil mula noong pinayagan ng Tanggapan Distrito ng Buk ang Daegu ang isang grupo ng mga Muslim na magtayo ng isang moske sa isang kapitbahayan na tirahan malapit sa Uniberisdad na Pambansa ng Kyungpook sa Daegu noong Setyembre 2020.
Ang pagtatayo, na alin itinigil sa pamamagitan ng isang kautusang administratibo noong nakaraang taglamig, ay inaasahang magpapatuloy ngayong buwan.