IQNA

Pagtatanghal ng Qur’an na Pandaigdigan sa Tehran: Mga Seksyon, Mga Opisyal ng mga Komite na Pinangalanan

7:05 - March 14, 2023
News ID: 3005270
TEHRAN (IQNA) – Wala pang tatlong mga linggo bago ang inagurasyon ng ika-30 na edisyon ng Tehran International Holy Quran Exhibition, hinirang ang mga mamamahala at mga opisyal ng iba't ibang mga seksyon at mga komite ng pagtatanghal.

Sa magkahiwalay na mga kautusan noong Sabado, hinirang si Ali Reza Moaf, bilang kinatawan ng Qur’an at Etrat ng Kagawaran ng Kultura at Islamikong Patnubay ng Iran na siya ring pinuno ng pagtatanghal, ang mga opisyal.

Kasama sa mga komite ng eksibisyon ang Qur’anikong tagapaglingkod, nilalaman, pangkalihim, administratibo, pananalapi, teknolohiya ng impormasyon, seguridad, pangangasiwa at pagtatasa.

Pagsasalin ng Qur’an, tula at panitikan, moske na gumagawa ng sibilisasyon, pamumuhay ng pamilya at pang-Qur’an, mga bata, mga konsultasyon na nakabatay sa Qur’an, mga institusyong Qur’anikong nasa mababa na antas ng tao, pandaigdigan, edukasyon sa Qur’an, pagsulong ng kultura ng Nahjul-Balagha, pagsulong ng Sahifeh Sajjadiyeh, mga inobasyon ng Qur’aniko, sining ng relihiyon, at mga paglalathala na panrelihiyon ay kabilang sa mga seksyon ng pagtatanghal, na ang mga tagapamahala ay hinirang.

Ang ika-30 na pagtatanghal ay magsisimula sa Imam Khomeini (RA) Mosalla (bulwagan ng pagdasal) dito sa kabisera ng Iran sa Abril 1 at tatakbo hanggang Abril 15.

Ang "Aking Binasa Kita" ay ang salawikain ng eksibisyon ngayong taon, na alin nagbibigay-diin sa kahalagahan ng patuloy na pagbabasa ng Banal na Qur’an.

Ang Pagtatangal ng Qur’an na Pandaigdigan sa Tehran ay taun-taon na inorganisa ng Kagawaran ng Kultura at Islamikong Patnubay sa banal na buwan ng Ramadan, na may layuning itaguyod ang mga Qur’anic na mga konsepto at pagbubuo ng Qur’aniko na mga aktibidad.

Iyon ay nagpapakita ng pinakabagong Qur’anikong tagumpay sa bansa pati na rin ang iba't ibang mga produkto na nakatuon sa pagsulong ng Banal na Aklat.

                             

 

3482785

captcha