Ang Al-Qalam ay ang pangalan ng ika-68 na kabanata ng Qur’an, na alin mayroong 52 na mga talata at nasa ika-29 na Juz. Ito ay Makki at ang ikalawang kabanata na ipinahayag sa Banal na Propeta (SKNK).
Ang pangalan ng Surah ay nagmula sa salitang al-Qalam (panulat) sa unang talata kung saan ang Diyos ay nanunumpa sa pamamagitan ng "panulat at ang kanilang isinusulat (kasama nito)".
Sa kanyang Pagpapakahulugan ng Qur’an Al-Mizan, sinabi ni Allameh Tabatabei na ang mga ito ay hindi tumutukoy sa anumang partikular na panulat o anumang partikular na bagay na isinulat ngunit tumutukoy sila sa anumang panulat at anumang sulat. Kaya't ang panulat at kung ano ang isinusulat nito ay kabilang sa pangunahing banal na mga pagpapala na isinumpa ng Diyos katulad ng pagsumpa ng Diyos sa iba pang mga pagpapala sa Qur’an katulad ng araw, buwan, araw at gabi, at maging ang igos at olibo.
Ang layunin ng Surah na ito ay ilarawan ang mga katangian ng Banal na Propeta (SKNK) at binibigyang-diin ang kanyang kahanga-hangang katangiang ugali, gayundin ang hindi wastong mga katangian ng mga hindi naniniwala at mga kaaway ng Propeta (SKNK).
Isinalaysay din nito ang kuwento ng mga may-ari ng hardin, nagbabala sa mga Musrikeen (nagsamba ng mag diyus-diyusan) na nagpapaalala sa Araw ng Paghuhukom at ang mga parusang naghihintay sa mga hindi naniniwala, nag-uutos sa Propeta (SKNK) na manatiling matatag laban sa mga hindi naniniwala at pagbabawal sa pagsunod sa kanila.
Ang kabanata ay nagbibigay ng katiyakan sa Propeta (SKNK) pagkatapos nilang gumawa ng walang batayan na mga akusasyon laban sa kanya. Ipinagbabawal ng Surah ang pagsunod sa mga Mushrikeen o pagiging kasama nila.
Ang Surah ay nilalang kasama ng Diyos na nanunumpa sa pamamagitan ng panulat at pagsusulat. Ang ikalawang talata ay tinatanggihan ang mga akusasyon na ginawa ng mga kaaway ng Islam laban sa Banal na Propeta (SKNK) at binibigyang-diin kung paano inilarawan ng Diyos ang Propeta (SKNK).
Ang Surah ay nagsasalita din tungkol sa pagbibigay ng oras sa mga hindi naniniwala at mga mapang-api, na alin sa huli ay sa kanilang kapinsalaan.
Pagkatapos ay mayroong kuwento ng mga may-ari ng hardin at kung ano ang nangyari sa kanila pagkatapos nilang makalimutan ang Diyos at mahulog sa mga kasalanan at katiwalian.
Iyon ay kuwento ng ilang mayayamang mga tao sino nagkaroon ng malago na hardin sa Yaman. Ang hardin ay unang pag-aari ng isang matandang lalaki sino gumamit ng mga bahagi ng ani nito at ang iba ay ibinigay sa mga nangangailangan. Pagkatapos ng kanyang kamatayan, nagpasya ang kanyang mga anak na itago ang lahat ng ani at ipagkait ang mga nangangailangan ng mga benepisyo. Dahil sa pagiging kuripot nila, tumama ang kidlat sa hardin at sumiklab ang apoy na nawasak ang lahat.
Inanyayahan ng isa sa mga kapatid ang iba na alalahanin ang Diyos at pinagsisihan nila ang kanilang pag-uugali at nagsisi.