
Ang pagpanaw ni Essam Abdul Basit Abdul Samad, anak ng yumaong Sheikh Abdul Basit Abdul Samad, ay inanunsyo ng kanyang kapatid na si Sheikh Yasser Abdul Basit Abdul Samad, pinuno ng Samahan ng mga Mambabasa ng Cairo.
Sa isang opisyal na pahayag, sinabi ni Sheikh Yasser:
“Sa mga pusong tapat sa kalooban ng Panginoon, aming ipinagluluksa ang aming minamahal na si Essam Abdul Basit Abdul Samad, sino pumanaw ngayong umaga. Nawa’y patawarin siya ng Panginoon, kaawaan siya, at pagkalooban siya ng paraiso.”
Nakatakdang ganapin ang dasal sa libing para sa yumaong pagkatapos ng pagdasal sa Biyernes sa Mostafa Mahmoud Moske sa Mohandessin, na susundan ng libing na dadaluhan ng mga kamag-anak at mga tagahanga ng mga pamilya ng kilalang mga mambabasa ng Quran.
Nagpaabot ng mga pakikiramay ang Ministro ng Panrelihiyong mga Kaloob ng Ehipto, si Osama Al-Azhari, sa pamilya, kalakip ang panalangin para sa awa ng Panginoon sa yumao at pagtitiyaga para sa mga naiwan niyang mahal sa buhay.
Naglabas din ng pahayag ang Samahan ng mga Mambabasa ng Quran ng Ehipto bilang pagdadalamhati sa pagkawala at pagpapahayag ng pakikiramay sa mga pamilya, kabilang sina Sheikh Tariq Abdul Basit Abdul Samad at Sheikh Yasser Abdul Basit Abdul Samad.
Maraming gumagamit ng panlipunag media ang nagpahayag ng kanilang pagdadalamhati at paggalang sa yumaong Essam.
Ang yumaong si Sheikh Abdul Basit Abdul Samad ay nananatiling isang makasaysayang personalidad sa mundo ng mga Muslim, kilala sa kanyang pambihirang husay sa pagbasa ng Quran at sa kanyang walang kupas na espirituwal na impluwensiya sa iba’t ibang mga henerasyon.