
Sa isang panayam sa IQNA, tinalakay ni Hojat-ol-Islam Seyyed Mohammad-Mehdi Tabatabaei, direktor ng Instituto ng Jameat al-Quran and Ahl al-Bayt, ang pagbaba ng bilang ng mga huwarang Quraniko sa lipunan. Ipinunto niya na noon, ang batang mga nagsasaulo ng Quran ay nagsisilbing magpasigla sa kanilang mga kapwa kabataan, ngunit sa kasalukuyan, ang papel na iyon ay napunta na sa mga tanyag na personalidad sa midya.
“Noon, hinahangaan ng kanilang mga kaibigan ang mga batang nakapagsaulo ng Quran,” sabi niya. “Ngayon, ang mga artista at mga mang-aawit na ang pumalit sa kanilang lugar.”
“Mayroon tayong mga batang anim taong gulang pa lamang na nakapagsaulo na ang buong Quran, alam ang salin nito, at kaya pang ipaliwanag ang kahulugan. Ngunit gaano kadalas natin silang nakikita sa telebisyon? Marahil isang beses lamang—at hindi na muling ipinalabas.”
Binigyang-diin niya na ang tuloy-tuloy na pagpapakita ng ganitong mga kabataang huwarang Quraniko sa pambansang midya at pampublikong mga palatunutnan ay natural na makaaakit sa kabataan tungo sa Quran. Binatikos din ni Tabatabaei ang kakulangan ng pagkilala sa mga tagapagsaulo ng Quran. “Kamakailan lamang, tatlong kabataang nagsasaulo ng Quran ang maganda ang naging pagbasa sa isang palatuntunan sa Silangang Azarbaijan, ngunit wala silang natanggap na anumang parangal,” sabi niya. “Sa ating mga tradisyon, ang pagpupugay sa isang tagapagsaulo ng Quran ay katumbas ng pagpupugay sa Panginoon. Minsan, binigyan ni Imam Hussein (AS) ng isang libong gintong mga dinar ang taong nagturo sa kanyang anak ng Surah al-Fatihah, na sinabing, ‘Paanong maihahambing ang gantimpala ng pagtuturo ng Surah al-Fatihah sa isang makamundong handog na ito?’”
Idinagdag niya na dapat maglaan ng sapat na pondo ang mga pamilya, mga tagapagkawanggawa, at mga opisyal upang suportahan ang mga gawaing Quraniko. “Gumagastos tayo ng malalaking mga pondo para sa iba’t ibang mga bagay, ngunit halos wala para sa Quran,” sabi niya. “Kung tinuturuan natin ang mga kabataan na magsaulo ng Quran ngunit hindi natin sila iginagalang o binibigyan ng pagkilala, nawawalan sila ng gana at lumalayo sa Quran.”
Nanawagan din si Tabatabaei na isama ang Quran sa pang-araw-araw na pananalita at pagpapasya. “Ang tunay na mga mananampalataya ay nagsasalita sa liwanag ng Panginoon, at ang liwanag na iyon ay ang Quran,” sabi niya. “Ang isang tagapagsaulo si hindi kayang gamitin ang mga talata ng Quran sa pangangatwiran o pagsasalita ay parang bote ng pabango na hindi binuksan - ang halimuyak nito ay hindi makakarating sa lipunan.”
Sinabi niya na upang matupad ang panawagan ng Pinuno ng Rebolusyong Islamiko na sanayin ang sampung milyong mga tagapagssaulo ng Quran, kinakailangang ituon muli ang edukasyon, pagsamba, at pampublikong diskurso tungo sa Quran. “Ang pagsasaulo ay simula lamang,” sabi niya. “Ang paglikha ng ‘buhay na huwarang Quraniko’ ang tunay na layunin. Kapag ang ganitong mga huwaran ay naging aktibo sa mga paaralan, mga unibersidad, mga moske, at mga midya, saka lilitaw ang isang tunay na lipunang Quraniko.”