IQNA

Mga Qari, mga Mambabasa mula sa 12 mga Probinsya na Bumubuo sa Kumboy na Qur’aniko ng Iran sa Hajj 2023

3:56 - May 03, 2023
News ID: 3005467
TEHRAN (IQNA) – Ang Iraniano na kumboy na Qur’aniko na pinaplanong dumalo sa Hajj ngayong taon ay binubuo ng mga dalubhasa ng Qur’an, mga mambabasa at mga magsasaulo mula sa 12 mga probinsya ng bansa.

Ito ang inihayag ni Mohammad Taqi Mirzajani, pinuno ng Komite para sa Pag-anyaya at Pagpapadala ng mga Qari, na nagsasalita sa isang pagpupulong sa Samahan ng Awqaf at Kawanggawa na mga Kapakanan sa Tehran noong Lunes.

Sinabi niya na ang mga miyembro ng kumboy, na kilala bilang Kumboy na Qur’aniko na Noor (Ilaw), ay magsisimulang maglakbay sa Saudi Arabia bilang ang unang pangkat ng Iraniano na mga peregrino ay umalis sa bansa para sa Hajj.

Idinagdag niya na magpapatuloy ang misyon ng kumboy hanggang sa makabalik sa Iran ang huling grupo ng Hajj na mga peregrino.

Sabi niya, ang kumboy ay binubuo ng 20 na mga dalubhasa ng Qur’an at mga qari, isang pangkat na Qur’an na mambabasa at isang Tawasheeh (pag-aawit sa panrelihiyon).

Ang katamtaman na edad ng mga miyembro ng kumboy ay 36, na alin nagpapahiwatig ng kanilang antas ng karanasan, sinabi niya.

Magsasagawa sila ng mga programang Qur’aniko sa Mekka at Medina sa mga pagtitipon ng mga peregrino ng Hajj mula sa Iran at iba pang mga bansa, sinabi niya.

Ayon kay Mirzajani, ang misyon ay inaasahang tatagal sa pagitan ng 35 at 40 na mga araw habang ang grupong Tawasheeh ay mananatili sa Saudi Arabia sa loob ng 45 na mga araw para magkaroon ng mga pagtatanghal.

Sinabi rin niya sa pagpupulong na ang kamakailang pagnumbalik sa mga relasyon sa pagitan ng Iran at Saudi Arabia ay nagbigay ng magandang pagkakataon para sa Qur’aniko at pangkultura na aktibidad sa panahon ng Hajj.

Ang piniling mga pangkat ng mambabasa ng Qur’an, mga magsasaulo at Tawasheeh mula sa Iran ay ipinapadala sa Saudi Arabia sa panahon ng Hajj taun-taon upang magsagawa ng mga programa sa Qur’an sa mga banal na lungsod ng Mekka at Medina.

Bawat taon milyon-milyong mga Muslim mula sa buong mundo ang nagtitipon sa Mekka para sa taunang Hajj.

Nagpapadala rin ang Iran ng mga peregrino gayundin ng mga grupo ng mga aktibista ng Qur’an, na kilala bilang Delegasyon ng Hajj ng Noor (liwanag).

Ang mga kasapi ng delegasyon ay nagtataglay ng mga programang Qur’an, kabilang ang sesyon ng pagbigkas ng Qur’an para sa mga peregrino.

                                                             

 

3483401

captcha