Si Recep Bilgen, pinuno ng malaking grupo ng Muslim na Schura, ay nagsabi na ang pinakamalaking moske sa Hannover ay puntarya sa isang pinaghihinalaang pag-atake ng arson.
"Hinihingi namin ang kumpletong paglilinaw at pagtatanggol ng aming mga bahay sambahan," sabi niya sa Twitter.
Binigyang-diin din ni Bilgen na naganap ang pag-atake noong ika-30 anibersaryo ng rasista na arson na pag-atake sa Solingen, na alin ikinasawi ng limang miyembro ng pamilyang Turko.
Sinabi ng pulisya ng Hannover sa isang pahayag na sumiklab ang sunog noong Lunes ng gabi sa labas ng isang kainan sa mga gusali ng moske at naapula ng mga kapitbahay.
Nasira ang ilang mga upuan, harapan ng gusali at bintana.
Ang pulisya ay umapela para sa mga saksi at hiniling ang sinumang may impormasyon na lumapit at tumulong sa imbestigasyon sa pangyayari.
Nasaksihan ng Alemanya ang lumalagong rasismo at Islamopobiya nitong nakaraang mga taon, na pinalakas ng propaganda ng pinakakanang mga grupo, na alin nagsamantala sa krisis ng mga taong takas at nagtangkang mag-udyok ng takot sa mga imigrante.
Alinsunod sa pinakahuling datos, nakarehistro ang pulisya ng hindi bababa sa 610 na mga krimeng kapootang Islamopobiko noong 2022 sa buong bansa.
May 62 na mga moske ang inatake sa pagitan ng Enero at Disyembre noong nakaraang taon, at hindi bababa sa 39 na katao ang nasugatan dahil sa anti-Muslim na karahasan.
Kasama rin sa mga bilang ang dose-dosenang mga krimen ng poot laban sa mga Muslim, mga kaso ng pananakot, paninira at pinsala sa ari-arian.
Isang bansang may higit sa 84 milyong katao, ang Alemanya ang may pangalawang pinakamalaking populasyon ng Muslim sa Kanlurang Uropa pagkatapos ng Pransiya. Ito ay tahanan ng halos 5 milyong mga Muslim, ayon sa mga opisyal na bilang.