IQNA

Tatlo ang Patay Habang Nagpapatuloy ang Tensiyon sa Ethiopia Dahil sa Demolisyon sa Moske

7:07 - June 04, 2023
News ID: 3005593
TEHRAN (IQNA) – Patuloy ang tensiyon sa Ethiopia dahil sa kontrobersiyal na planong gibain ang mga moske sa bansa, kung saan tatlong katao ang nasawi sa huling mga sagupaan noong Biyernes.

Napatay sila nang makipagsagupaan ang mga pulis sa mga mananamba sa labas ng pinakamalaking moske ng Addis Ababa, sinabi ng mga puwersang panseguridad ng Ethiopia.

Ilang Muslim na mga lugar ng pagsamba ang nawasak sa labas ng Addis Ababa nitong mga nakaraang mga buwan bilang bahagi ng isang kontrobersiyal na proyekto sa pagpaplano ng lungsod, na alin nagdulot ng galit sa mga mananamba.

Ang mga pulis ay nagpaputok ng teargas sa mga mananamba sa labas ng Malaking Moske ng Anwar, sa pinakabagong mga sagupaan na pinalakas ng pagkasira ng mga moske sa labas ng kabisera ng Ethiopia.

Sinabi ng Puwersang Pinagsama ang Seguridad at Paniniktik ng Ethiopia na tatlong katao ang namatay sa mga sagupaan, alinsunod sa isang pahayag na inilathala ng Fana Broadcasting Corporate, isang tsanel na kaakibat ng estado.

Ang ari-arian na hindi alam ang halaga ay nawasak, sinabi nito, at idinagdag na 65 na mga opisyal na pulisya ang nagdusa ng "magaan at mabibigat na pinsala."

Samantala, ang Ethiopian Islamic Affairs Supreme Council ay nagpahayag ng kanilang kawalang-kasiyahan sa isang kamakailang pahayag na inilabas ng tanggapan ng komunikasyon sa pamahalaan na panrehiyon sa Oromia, na binanggit ang pagkabigo na tumpak na kumatawan sa mga damdamin at mga pangangailangan ng mas malawak na komunidad ng Muslim sa Ethiopia.

Sinabi ng Kataas-taasang Konseho sa isang pahayag noong Huwebes, na ang isang siyam na miyembro ng komite, na alin itinatag kasunod ng emerhensiya na pagpupulong ng konseho noong Mayo 28, ay kasalukuyang nakikibahagi sa mga talakayan sa matataas na mga opisyal mula sa pederal na pamahalaan, na may layuning lutasin ang isyu ng demolisyon ng mga moske.

Nanawagan sa pamayanang Muslim na matiyagang maghintay para sa resulta ng patuloy na mga talakayan, ang konseho ay nagbabala laban sa potensiyal na pagsasamantala sa sitwasyon ng ilang mga grupong may pampulitikang agenda, at hinimok silang umiwas sa anumang ilegal na mga gawain.

Sinabi ng tanggapan ng komunikasyon sa rehiyon ng Oromia sa isang presser noong Miyerkules na nagsasagawa ito ng kampanya ng pagwawasak ng "iligal na mga gusali" sa higit sa 600 na mga lungsod sa buong rehiyon, at ipinagtanggol ang proseso bilang "konstitusyonal at legal".

Pinuno ng tanggapan, na si Hailu Adugna nagsabi na ang kampanya ay hindi limitado sa lungsod ng Shaggar at ang mga moske ay hindi lamang ang puntarya kumpara sa "peke at pampulitika na tono ng  propaganda" na isinagawa ng "organisado  na panloob at panlabas na mga ekstremista sino nagtatrabaho sa ilalim ng pagkukunwari ng relihiyon" .

Ang pahayag ay dumating ilang mga araw pagkatapos ng hindi bababa sa dalawang sibilyan ang napatay at higit sa 40 katao, kabilang ang mga opisyal ng pulisya ay dumanas ng maliit at malubhang mga pinsala sa panahon ng paghihigpit laban sa mga Muslim na nagpoprotesta sa loob at paligid ng Malaking Moske ng Anuwar sa kabisera ng Addis Ababa noong Biyernes.

Pinagmulan: Mga Ahensya

 

3483808

captcha