IQNA

Ang Iraniano na Kumboy na Qur’aniko ay Nagtataguyod ng Pagkakaisa ng mga Muslim sa Pamamagitan ng Pagsasagawa ng mga Sesyong Qur’aniko sa Mekka

7:31 - June 11, 2023
News ID: 3005625
Isang grupo ng Iranianong mga qari ang bumibigkas ng mga talata mula sa Banal na Qur’an sa Mekka sa mga sesyon na dinaluhan ng parehong mga Shia at mga Sunni upang higit pang isulong ang pagkakaisa sa mga Muslim.

Nagpadala ang Iran ng isang pangkat ng mga qari sa ilalim ng pamagat na "Noor Kumboy" sa Mekka at Medina para sa pag-aayos ng mga sesyon ng Qur’aniko at pagbigkas ng mga talata mula sa Banal na Qur’an para sa mga peregrino mula sa buong mundo.

Sa taong ito, 20 na mga mambabasa ng Qur’an mula sa 12 na mga probinsya ang sumali sa Noor Kumboy na pinamumunuan ng Kilalang Qari si Ahmad Abolghasemi. Naglakbay sila sa lupain ng paghahayag upang ibahagi ang pagsisikap ng Islamikong Republika ng Iran na ipalaganap ang pagmamahal sa Qur’an sa mga peregrino. Nagdaos din sila ng mga sesyon ng Qur’an at mga pag-ikot para sa mga peregrino ng Mekka at Medina.

Ang mga peregrino, parehong Shia at Sunni, ay nagpakita ng kanilang pagkahilig sa Qur’an sa pamamagitan ng pagsali sa mga sesyon.

Ang mga sumusunod ay ang ilan sa mga pagbigkas na ginawa nina Omid Hosseini-nejad at Mohammad Mahdi Rouhani, dalawang miyembro ng kumboy, sa mga sesyon na dinaluhan ng mga peregrino ng Sunni sa Mekka.

 
 
 
 

Ang kumboy ay binubuo nina Mohammad Hossein Saeidian, Omid Hosseini-nejad, Mohsen Yar-Ahmadi, Ali Akbar Kazemi, Mohammad Ismail Khorshidi, Mohammad Kazemi, Seyed Mohammad Hosseinipour, Alireza Ateeqzadeh, Rasul Tamjid, Mohammad Movahedian Attar, Ali Gholami, Ali Kabiri, Mohammad Mahdi Rouhani at Mohammad Reza Jahdinia gayundin ang grupong Miad Tawasheeh na binubuo nina Baqer Savari, Ali Savari, Yaser Savari, Mansour Alavimaram at Ayub Tamimi. Nasa Saudi Arabia sila simula noong unang bahagi ng Hunyo.

Ang pnili na mga mambabasa ng Qur’an, mga magsasaulo at mga grupong Tawasheeh mula sa Iran ay ipinapadala sa Saudi Arabia sa panahon ng Hajj taun-taon upang magsagawa ng mga programa sa Qur’an sa mga banal na lungsod ng Mekka at Medina.

                                                                                     

3483886

captcha