Ginawa niya ang pahayag noong Huwebes sa kanyang pakikipagpulong sa Pangkat na Pang-embahador ng Organization of Islamic Cooperation (OIC).
Ang pagpupulong ay dumating matapos lapastanganin ng isang Iraqi na taong takas sa Sweden ang isang kopya ng banal na aklat ng Muslim na may pagtatanggol ng pulisya.
Tinuligsa ni Guterres ang mga pagkilos ng hindi pagpaparaan, karahasan, at Islamopobiya, na sinabi niyang nagpapasigla sa mga tensyon at humantong sa diskriminasyon at radikalisasyon, sinabi ng kanyang tagapagsalita na si Stephane Dujarric sa isang pahayag.
Sinabi rin niya na ang UN ay nakatuon sa ganap na pagpapatupad ng Panukala ng Konseho ng Karapatang Pantao sa "paglaban sa pagkamuhi sa relihiyon na bumubuo ng pag-uudyok sa diskriminasyon, poot o karahasan."
Ang UN na Konseho ng Karapatang Pantao na nakabase sa Geneva noong Hulyo 12 ay nagpasa ng isang panukala na kinondena ang kamakailang mga pag-atake sa Qur’an sa kabila ng pagsalungat ng mga bansa sa Kanluran.
Ang panukala, na alin humihimok ng pagkondena sa mga pag-atake na nagpuntarya sa Qur’an at tinawag ang mga ito bilang "mga gawa ng pagkamuhi sa relihiyon," ay binoto ng 47-miyembro ng konseho.
Gayunpaman, nabigo ang UN na magpatibay ng anumang praktikal na mga hakbang upang ihinto ang paglapastangan sa mga kabanalang Islamiko at panagutin ang mga may kasalanan. Naniniwala ang mga tagamasid na ang kawalan ng pagkilos ng UN ay nagpalakas ng loob ng mga ekstremista na ipagpatuloy ang kanilang mga mapoot na gawain nang walang parusa.