IQNA

Tinutuligsa ng Denmark ang Paglapastangan sa Qur’an, Sinasabing Lumilikha Ito ng Dibisyon

2:00 - July 25, 2023
News ID: 3005808
COPENHAGEN (IQNA) – Tinuligsa ng kagawaran ng panlabas ng Danish ang isang kaso ng paglapastangan sa Qur’an sa bansang Uropiano bilang isang ‘kahiya-hiyang gawa’, na sinasabing ang mga gawaing ito ay nagdudulot ng pagkakabaha-bahagi sa mga relihiyon.

Sinabi ng kagawaran ng panlabas sa isang pahayag na nai-post sa Twitter noong Sabado na ang pagkilos ng pagsunog ng kopya ng banal na aklat ng Muslim, ang Qur’an, ay hindi iginagalang ang mga relihiyon ng iba.

Ang mapanuksong gawa ay nakakasakit sa maraming mga tao at lumilikha ng dibisyon sa pagitan ng iba't ibang mga relihiyon at mga kultura, idinagdag nito.

Sa kabila ng kalayaan sa relihiyon sa Denmark, maraming mamamayang Danish ang Muslim. "Sila ay isang mahalagang bahagi ng populasyon ng Danish," ang pahayag ay nakasaad.

Naniniwala ang bansa na ang kalayaan sa pagpapahayag at pagpupulong ay dapat igalang, sinabi nito, at idinagdag na "Sinusuportahan ng Denmark ang karapatang magprotesta ngunit binibigyang diin na dapat itong manatiling mapayapa."

Noong Biyernes, sinunog ng mga miyembro ng Islamopobiko at dulong kanan na grupong makabansa "Danske Patrioter (Danish na mga makabayan)" ang isang kopya ng Banal na Qur’an sa harap ng Embahada ng Iraq sa Copenhagen, Denmark.

Mas maaga sa linggong ito, si Salwan Momika, isang 37-taong-gulang na Iraqi na taong takas na naninirahan sa Sweden, ay nilapastangan ang Qur’an, ilang linggo lamang matapos niyang sunugin ang mga pahina ng banal na aklat sa labas ng isang moske sa Stockholm.

Habang noong Enero ngayong taon, si Rasmus Paludan, isang pinakakanang pinuno ng Danish, ay nagsunog ng kopya ng Qur’an sa harap ng EmbahadaTurky sa Stockholm. Ang pangyayari ay nagdulot ng galit at pagkondena sa buong mundo ng Islam.

Isang korte ng Turko ang naglabas ng warrant of arrest para kay Paludan kasunod ng kanyang gawaing Islamopobiko. Ang pagsisiyasat na inilunsad ng Tanggapan ng Pinuno ng Pag-uusig sa Publiko sa Ankara  laban kay Paludan sa paratang ng "pampublikong pag-insulto sa mga halaga ng panrelihiyon" ay nagpapatuloy.

Bilang bahagi ng imbestigasyon, hiniling ng Tanggapan ng Pinuno sa Pag-uusig na Publiko ang pag-aresto kay Paludan upang makakuha ng pahayag tungkol sa insidente ng pagsunog ng Qur’an.

Ang Ankara na Ika-8 na Korte ng Kapayapaan na Kriminal, sa pagsusuri sa kahilingan, ay nagpasya na mag-isyu ng utos ng pagpaparakip para sa Danish na politiko.

 

 

3484448

captcha