IQNA

Ang Moske sa Pakistan ay Nagbubukas ng mga Pintuan sa Kristiyanong mga Mananamba

17:59 - August 22, 2023
News ID: 3005921
ISLAMABAD (IQNA) – Isang moske sa lungsod ng Jaranwala, sa lalawigan ng Punjab ng Pakistan, ang nagbukas ng pinto nito sa Kristiyanong nangangailangan ng lugar para sa pagsamba.

Sinabi ng isang pastor sa pandaigdigan na media na ang isang moske sa Jaranwala ay nagbukas ng mga pintuan ng mga gusali nito para sa pamayanan ng mga Kristiyano upang mag-alay ng kanilang mga pagdasal.

Sinabi niya na isang tao ng administrasyon ng moske ang lumapit sa kanya at nag-alok na pumunta sa moske at magdasal katulad ng ginagawa nila sa isang simbahan.

Nangyari ito matapos ang mga simbahan ng mga Kristiyano ay tinampalas at sinunog sa Jaranwala tehsil ng Faisalabad dahil sa mga paratang ng kalapastanganan.

Sa unang bahagi ng buwang ito, limang mga simbahan at ilang mga gusali ang nasunog at ang mga tirahan ng mga kasaping Kristiyano, sino inakusahan ng kalapastanganan, ay nawasak.

Sinabi ng isang lokal na pastor sa media na ang Simbahang Hukbo ng Kaligtasan, Simbahang Shehroonwala, United Presbyterian Church, Allied Foundation Church na matatagpuan sa lugar ng Isa Nagri ay sinalakay ng mga mandurumog.

  • Inutusan ang mga Opisyal ng Bilangguan na Magbigay ng Banig sa Pagdasal, Dating Pakistani PM

Ang pangyayari ay umani ng napakalaking batikos na tinawag ito ng katiwala na Punong Ministro ng Pakistan na si Anwaarul Haq Kakar na isang araw ng kahihiyan. Sa isang post sa panlipunan na media na plataporma, ipinangako niya na parurusahan ang mga responsable sa paglapastangan sa mga simbahan dahil sa mga paratang sa kalapastanganan.

Sabi niya, “Naiinis ako sa mga biswal na lumalabas sa Jaranwala, Faisalabad. Mahigpit na aksyon ang gagawin laban sa mga lumalabag sa batas at pinupuntarya ang mga minorya. Hiniling sa lahat ng nagpapatupad ng batas na hulihin ang mga salarin at dalhin sila sa hustisya. Makatitiyak na ang gobyerno ng Pakistan ay naninindigan sa ating mamamayan sa pantay na batayan."

Inaresto ng pulisya ang mahigit 150 na katao sa kaso habang inilunsad ang mataas na antas ng pagsisiyasat sa usapin dahil nakita ito ng gobyerno ng Punjab bilang isang planong pagtatangka na guluhin ang kapayapaan sa bansa.

                                                                                      

3484864

captcha