Ang samahan sa Paglilingkod sa Qur’an, na kilala bilang Huffaz, ay naglathala ng pagsasalin bilang isang hakbang upang kontrahin ang mga paglapastangan sa Qur’an sa Sweden.
Sinabi ni Abdul Aziz al-Rifa'ei, pangulo ng samahan, ang pagsasalin ay naisagawa sa pakikipagtulungan sa Scandinavia Education Foundation.
Sinabi niya na ito ang pinakatumpak na pagsasalin ng Qur’an sa wikang Swedo.
Kasama rin dito ang isang pagpapakahulugan ng Banal na Aklat batay sa sikat na pagpapakahulugan ng Qur’an, idinagdag ni al-Rifa'ei.
Binanggit pa niya na ang isang pangkat ng mga iskolar at mga tagapagsalin ay nakipagtulungan sa pagsasalin.
Sinabi pa niya na ang mga kopya ay ipapamahagi na may layuning kontrahin ang mga paglapastangan sa Qur’an at suportahan ang mga Muslim at sentrong Islamiko ng Sweden.
Idinagdag ni Al-Rifa'ei na plano na ang samahang kawanggawa na maglimbag at mamahagi ng libu-libong iba pang mga kopya ng mga pagsasalin ng Qur’an sa iba't ibang mga wika.