IQNA

Pangkalahatang Asembliya ng UN: Binatikos ng mga Pinuno ng Muslim ang Paglapastangan sa Qur’an

18:45 - September 23, 2023
News ID: 3006053
NEW YORK (IQNA) – Binatikos ng ilang Muslim na mga pinuno ang paglapastangan sa Banal na Qur’an sa kanilang mga talumpati sa Pangkalahatang Asembliya ng Nagkakaisang mga Bansa.

Sa pagtugon sa kaganapan sa New York noong Martes, pinangalanan ni Iranian President Ebrahim Raeisi ang Quran bilang "isang aklat na nag-aanyaya sa tao sa rasyonalidad, espirituwalidad, katarungan, moralidad at katotohanan," na alin nakabatay sa tatlong mga haligi ng "monoteismo, katarungan at dignidad ng tao.”

"Ano ang sinabi ng Qur’an na pumukaw sa pagkamuhi ng mga mapagmataas at mga panginoon ng kapangyarihan at kayamanan?" tanong niya.

Ang mga pahayag ay dumating habang ang banal na aklat ng Muslim ay naging puntarya ng paulit-ulit na pag-atake ng mga ekstremista sa ilang mga bansa sa Uropa, lalo na sa Sweden, sa nakalipas na ilang mga linggo.

“Ang Quran ay nagsabi, O sangkatauhan; Huwag tanggapin ang pang-aapi at pagkakabaha-bahagi. Sa patnubay na ito, makakabuo tayo ng isang mundo ng dignidad at kadakilaan. Ang Qur’an ay nagsasalita tungkol sa pagkakaisa ng sangkatauhan at ang lahat ng mga naninirahan sa mundo ay parang magkakapatid at mula sa iisang mga magulang. Itinuturing ng Qur’an ang tao bilang kinatawan ng Diyos, at ang mga lalaki at mga babae, sa kabila ng kanilang likas na pagkakaiba, ay nagpupuno sa isa't isa at pantay-pantay sa presensiya ng Diyos; Ipinagtatanggol ng Qur’an ang pribado ng pamilya at itinuturing ang bata bilang tiwala ng Diyos,” dagdag niya.

  • Ang Papel ng UNGA sa Pagharap sa Paglapastangan sa Qur’an

"Ipinagbabawal ng Qur’an ang nakakainsultong mga ideya at mga paniniwala, at iginagalang sina Abraham, Moses, at Jesus bilang paggalang kay Muhammad (SKNK)," sabi ni Raeisi, at idinagdag, "Ang nagkakaisang mga konsepto at dakila, nagbibigay-inspirasyon, nagpapakatao, bumubuo ng komunidad at mga propetang nagtatayo ng sibilisasyon para sa mga lipunan ng tao ay walang hanggan at hindi kailanman masusunog. Ang apoy ng insulto at pagbaluktot ay hindi kailanman magiging kalaban ng katotohanan."

"Ang anti-Islamismo at pangkultura na apartheid, sa kanilang iba't ibang mga anyo, kabilang ang pagsunog sa Banal na Qur’an sa pagbabawal ng hijab sa mga paaralan at dose-dosenang iba pang kahiya-hiyang mga diskriminasyon, ay hindi umaangkop sa pag-unlad ng modernong tao," idiniin niya.

"Sa likod ng kurtina ng mapoot na pananalita na ito, may mas malaking masamang balak at ang pagbawas nito sa kategorya ng kalayaan sa pagsasalita ay nakaliligaw," sabi niya.

'Hindi matitiis'

Ang Pangulo ng Turkey na si Recep Tayyip Erdogan - sino nagpilit ng ilang buwan sa Sweden dahil sa pagtanggap nito sa mga aktibistang Kurdish na itinuturing ni Ankara bilang mga terorista - ay nagsabi na ang kanlurang mga bansa ay nahaharap sa "isang salot" ng diskriminasyon, kabilang ang Islamopobiya.

"Ito ay umabot sa hindi matitiis na mga antas," sinabi niya sa Pangkalahatang Asembiya ng UN.

  • Ang mga Iraniano ay Sumali sa Pagpirma ng 'Pinakamalaking' Petisyon laban sa Paglapastangan sa Qur’an

"Sa kasamaang palad, ang bantogan na mga pulitiko sa maraming mga bansa ay patuloy na naglalaro ng apoy sa pamamagitan ng paghikayat sa gayong mapanganib na mga uso."

"Ang pag-iisip na naghihikayat sa mga kahindik-hindik na pag-atake laban sa banal na Qur’an sa Uropa, sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa kanila sa ilalim ng pagkukunwari ng kalayaan sa pagpapahayag, ay mahalagang nagpapadilim sa sariling kinabukasan ng [Uropa] sa pamamagitan ng sarili nitong mga kamay."

Hindi kalayaan sa pagpapahayag

Ang Emir ng Qatar, si Sheikh Tamim, sa kanyang talumpati sa Pangkalahatang Asembliya ng UN ay nagsabi na ang "pagkompromiso sa kabanalan ng iba ay sinasadya" ay hindi dapat tingnan bilang kalayaan sa pagpapahayag.

"Sasabihin ko sa aking mga kapatid na Muslim na hindi makatuwiran para sa amin na magambala sa pamamagitan ng isang tulala o isang may kinikilingan na tao sa tuwing nangyayari sa kanya na pukawin kami sa pamamagitan ng pagsunog sa banal na Qur’an o sa pamamagitan ng iba pang mga anyo ng walang kabuluhan," sabi ni Sheikh Tamim.

"Ang Qur’an ay napakabanal para lapastanganin ng isang taong walang bait."

 

3485243

captcha